DISMAYADO si Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez III sa, aniya, ay patuloy na korupsiyon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa kabila ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan ang katiwalian sa gobyerno.
Nauna na ring nagbanta ang Chief Executive na sisibakin sa puwesto ang sinumang magpapatuloy sa paggawa ng katiwalian.
Pinasisiyasat umano ni Presidente Duterte ang nagaganap na katiwalian sa Rentas Internas gaya ng sinasabing hijacking of tax cases, apurahan o mabilisang pagtatapos ng mga kontrobersiyal na tax cases, agawan ng tax cas-es, at pagpapababa sa dapat bayarang buwis.
“Isang malakihang pagbalasa ang gustong ipatupad ni Pangulong Duterte sa BIR dahil sa patuloy na katiwa-lian sa BIR at marahil ay pagkatapos ng May 13, 2019 national at local elections,” sabi ng isang malapit na kaibigan ni Secretary Dominguez.
Ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang umano’y naatasan ng Malacañang na mag-imbestiga sa korupsiyon sa BIR, kabilang na rito ang kinasasangkutan ng isang opisyal na P20 million at P15 mil-lion unfinished constructions ng mga comfort room at multi-purposed covered court.
Ikinairita rin ng Presidente ang napaulat na mahigit sa 100 opisyal at kawani ng BIR ang hindi nagsipasok para lamang dumalo sa isang golf tournament na naging dahilan ng pagkakaantala ng mga transaksiyon dahil walang awtorisadong pumirma sa payment forms ng mga taxpayer sa panahong ang mga ito ay nagsisipagbulakbol.
Ang PACC, sa pamamagitan ng Executive Order No. 43, ay binigyan ng mandato ni Presidente Duterte na la-banan at sugpuin ang korupsiyon sa lahat ng departments, bureaus at offices ng gobyerno.
Sinabi ng source na may malalaking tax cases sa ilalim ng Large Taxpayers Service (LTS) ang inagaw, inimbes-tigahan at tinapos ng BIR National Investigation Division na wala namang ‘fraud’ at umano’y mabilisang tinapos ang kaso sa maliit na kabayarang buwis, subalit mas malaki ang ‘lagay’ na tinanggap.
Ang 65 percent ng kabuuang tax collections ng BIR ay ang LTS ang kumokolekta habang ang natitirang 35 percent ay ang regional at revenue district offices.
May report din na maging ang mga bagong office appliances na nakalaan sana sa isang opisina sa BIR Ca-lasiao, Pangasinan at bahagi ng pinondohang P15 milyong proyekto sa paggawa ng covered court ay tinangay rin umano ng mistress ng isang mataas na opisyal.
Ayon pa sa source, bukod sa BIR, ang iba pang ahensiya na nasa ilalim ng pamamahala ng DOF na umano’y pinababantayan din dahil sa katiwalian ay ang Bureau of Customs, Bureau of Treasury, Bureau of Local Gov-ernment Finance, Cooperative Development Authority, Insurance Commission, National Tax Research Center, Central Board of Assessment Appeal, Philippine Deposit Insurance Corporation, Philippine Export-Import Credit Agency, Privatization and Management Office at Securities and Exchange Commission.
Samantala, isa umanong regional director at isang assistant regional director ng BIR na nakatalaga sa Metro Manila ang pinakahuling naging biktima ng notorious kidnap for ransom gang kamakailan pero tulad ng dati ay hindi rin naghain ng reklamo ang mga ito.
Ayaw umanong magreklamo ng mga biktima sa takot na madamay ang kanilang pamilya o maakusahan na may ‘ill-gotten wealth’.
Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.