SINUPORTAHAN ng Bureau of Customs (BOC) ang ginagawang imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) hinggil sa nagaganap na katiwalian sa Port of Manila (POM) at Manila International Container Port (MICP).
Ayon kay BOC Spokesperson at Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla, ang hakbang ng PACC ay bahagi rin ng kanilang kampanya para linisin ang korupsiyon sa ahensiya na siya ring mandato ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Sa katunayan ani Maronilla, nagsumite na ang BOC ng ilang dokumento na may kaugnayan sa smuggling at ilegal na aktibidad para sa gina-gawang evaluation at imbestigasyon ng PACC.
Idinagdag pa, kaugnay ng kampanya ng pamahalaan laban sa korupsiyon, inihayag ng BOC na simula pa noong November 2008 ay nasa 119 na customs employees ang naisyuhan na ng show-cause order dahil sa hindi pagsunod sa rules and regulation ng ahensiya.
Comments are closed.