KAHIT pa nga matindi ang gigil ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa korupsiyon ay hindi siya alintana sa LTO San Juan kung saan patuloy ang pamamayagpag ng sindikato sa loob.
Isang nagngangalang Bong ng LTO San Juan ang kumikita ng P100,000 kada araw at solo niya umano ‘yan.
P2,500 ang singil sa license applicant na nasa 400 katao araw-araw, gayung P1,100 lamang umano ang resibo.
Matagal na gawain ni Bong umano ‘yan kaya naman sobrang yaman na nito, pati mga fixer tablado nito kaya solo niya ang kita.
Nawawala ang integridad ng isang administrasyon kapag talamak ang korupsiyon dito. Katulad na lamang sa nakaraang administrasyon kaya naman wala silang maipagmalaki para sana maiangat ang mga kandidato nito sa pagka-senador. Nawalan kasi ng integridad.
Sa ngayon ay laganap pa rin ang korupsiyon ngunit nanatiling popular si Duterte dahil nakikita naman ng lahat ang kanyang pagiging seryoso laban sa katiwalian na mismong kaibigan at mga malaki ang naitulong sa kanya noong kampanyahan ng pagkapanguluhan, ay pinagsisibak niya.
Sana ay kung ang lahat ng miyembro ng gabinete at pamahalaan ay kapareho ni Duterte ay may pag-asang malansag ang mga sindikato ng korup-siyon sa buong burukrasya. Kaso hindi.
Palagay ko ang dapat bawat Filipino ay nararapat na mare-educate sa ideyelohiya ng patriotic democracy. Parang mabigat pakinggan ano? Pero sim-ple lamang ito, kung pamilyar kayo sa mga tinaguriang Dutertenomics at Duterteism, malapit-lapit na kayo sa pinapakahulugan ko.
Tanging isang ideyelohiya lamang ang makasasagip sa ating bansa na lumalayag ngayon sa karagatan ng sibilisasyon gamit ang isang dispaling-hadong sistema at gamit ang alaala na niyurakan ng ilang daang taon sa ilalim ng kolonyalismo at pagkakasakop.
Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin tayo industrialized na bansa. Natutuwa na ang mga Filipino sa mga mall sa kanilang paligid at sachet na mga produktong kanilang nabibili sa tindahan.
Naimbento na ang lahat para lamang manatiling kalmado ang mga Filipino kaya walang rebolusyong maaaring magtagumpay sa bansa sa ngayon. Kumikita ang elite, kontento ang middle class at kaya pa namang bumili sa sari-sari store ng lower class at maging ng mga pinakamahihirap.
Ang patriotic democracy ay isang uri ng pagtingin sa bansa na communal na pagmamay-ari ng lahat, pagkakapantay-pantay ng karapatan ng lahat ngunit nakaumang sa pangkabuuang kapakinabangan ng lahat ng mamamayan.
Ang industriyalisasyon ay matagal na sanang naimplementa, ngunit dahil sa pag-aaway-away ng mga Filipino at mga kalituhan na ipinalamon sa atin ng mga banyagang interes at ng oligarkiya, nahuli ang Filipinas sa mga kapitbahay nito sa Asya.
Malala na ang sakit ng sistema na umiiral sa bansa, at ang patriotic democracy ang gamot.
Comments are closed.