KORYENTE MAY BAWAS-SINGIL ULIT NGAYONG AGOSTO

KORYENTE-4

MAGKAKAROON ng bawas-singil sa bill ng koryente ngayong buwan ng Agosto na lumalabas na pang-apat na buwan nang magkakasunod na bawas-presyo ng Meralco.

Ayon sa Meralco, nasa P0.42 kada kilowatt hour (kWh) ang ibabawas sa bill sa buwan ng Agoso bunsod ng mas mababang generation charge o halaga ng kor­yente na binibili ng kompanya sa spot market.

Lumalabas na katumbas ito ng P83 na bawas para sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh, P125 sa 300 kWh, P167 sa 400 kWh, at P209 sa 500 kWh.

Kung susumahin, aabot na sa P1/kWh ang naging bawas-singil ng Meralco sa bill sa nakalipas na apat na buwan.

Comments are closed.