KOTONG COP NASILO SA P300K

ISABELA-KALABOSO ang isang pulis nang maaktuhan sa entrapment operation ng kaniyang kabaro sa Cauayan City, kahapin ng alas-9:45 ng umaga.

Nakilala ang inaresto na si alyas Master Sergeant, nasa hustong gulang residente ng Labinab, Cauayan City

Ayon sa Cauayan City Police Station dinakip nila si Master Sergeant, katuwang ang mga kasapi ng Regional Integrity Monitoring Enforcement team (RIMET) ng Police Regional Office 2 sa Centro Poblacion malapit FLDY Coliseum, sa naturang lungsod.

Bago nadakip ang suspek, ay isang putok umano ng baril ang narinig ng mga residente malapit sa lugar, matapos na harangin ng kotse ang saksakyan ng suspek.

Dahil dito kusa nang humito ang sasakyan ng suspek at nakuha sa kanya ang Cal. 38, Caliber 45 na baril at boodle money na humigit kumulang P300,000.00.

Nakuha rin sa kanyang sasakyan ang kanyang uniporme at case folder, na kung saan ay maaring ngayong araw pa, Lunes, sasampahan ng kasong kriminal at administratibo.

Nging matipid naman ang sagot ng suspek sa katanungan ng mga mamamahayg at mga pulis ng na kung saan kanyang sinabi na “biktima lamang ako dito” at hindi na sinagot ang mga sumunod na katanungan, habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang pahayag ang PNP Cauayan City kung saan nakadestino ang pulis. IRENE V. GONZALES

Comments are closed.