MAYNILA – HINDI na nakapalag ang isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) nang maaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa entrapment operation sa opisina ng truck operators.
Nahaharap na sa patong-patong na kaso ang suspek na kinilala na si Joselito Guzman, team leader ng MTPB.
Si Guzman ay sasampahan ng kasong extortion at paglabag sa Anti-Corruption Practices Act matapos nitong tanggapin ang P30,000 mula sa truck operator.
Aminado naman ang truck operator na hindi na binanggit ang pangalan na ilang taon na silang nagbibigay sa MTPB upang sila ay palusutin tuwing truck ban at ‘di matekitan.
Aniya, dati ay P2,500 lamang ang kanyang binabayaran sa lahat para makadaan sa Roxas Blvd at nakaparada sa mga gilid ng kalsada ngunit ngayon ay umaabot na aniya sa P2,000 kada isang truck ang kanyang binabayaran.
Ayon sa NBI isa itong uri ng pangongotong ni Garcia kung saan nabawi rin sa kanya ang listahan ng iba pa niyang sinisingilan.
Itinanggi naman ito ni Garcia at sinabing tumutulong lamang siya dahil sila naman aniya ang lumalapit sa kanya para tulungan.
Nalaman naman ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang pagkakaaresto sa suspek na labis naman niyang ipinagpasalamat sa NBI dahil nabawasan na naman aniya ang mga abusadong kawani ng pamahalaang Lungsod ng Maynila.
Aniya, sinabi na rin aniya na limang taon na itong nakagawian kaya nangangahulugan lamang aniya na sa mga nagdaang mga panahon pa nila ito ginagawa. PAUL ROLDAN
Comments are closed.