KOUAME, SOTTO SA FINAL 12 NG GILAS VS SOUTH KOREA

Kai Sotto at Ange Kouame

MASASAKSIHAN na ang pinakaaabangang debut nina Kai Sotto at Ange Kouame para sa Gilas Pilipinas sa kanilang pagsagupa sa South Korea sa FIBA Asia Cup 2021 qualifiers, Miyerkoles sa Angeles University Foundation Gym.

Ang dalawang sentro ay kabilang sa 12 players na pinili ng coaching staff para sa laro sa Miyerkoles, alas-6 ng gabi.

Lalaro rin sa unang pagkakataon para sa senior team sina RJ Abarrientos, SJ Belangel, at Carl Tamayo.

Sasamahan sila nina Justine Blatazar, Javi Gomez de Liano, William Navarro, Mike Nieto, Dwight Ramos, Jaydee Tungcab, at  team captain Isaac Go.

Para kay Sotto, ito ang kanyang unang paglahok sa Gilas men’s team matapos ang ilang taong pamamayagpag sa youth program.

Ang Filipinas ay kasalukuyang may 3-0 record sa Group A, habang ang South Korea ay may 2-0.

5 thoughts on “KOUAME, SOTTO SA FINAL 12 NG GILAS VS SOUTH KOREA”

  1. 100756 342226Official NFL jerseys, NHL jerseys, Pro and replica jerseys customized with Any Name / Number in Pro-Stitched Tackle Twill. All NHL teams, full range of styles and apparel. Signed NFL NHL player jerseys and custom team hockey and football uniforms 605607

Comments are closed.