LUMABAS sa ginawang pag-aaral ng Social Weather Station (SWS) na bumaba ang bilang ng mga pamilyang nabiktima ng kriminalidad o common crimes.
Base sa inilabas na comparison graph ng SWS mula 1998 hanggang Setyembre 2018 ay nangunguna sa may pinakamataas na bilang ng mga pamilya na nakaranas na mabiktima ng common crimes noong panahon ng Estrada administration na nasa double digit na umaabot sa mahigit sa mga 17 porsiyento, kasunod ang Arroyo administration na nasa 15 porsiyento halos kadikit noong panahon ni Benigno Noynoy Aquino na nasa 12 porsiyento habang 6.1 porsiyento lamang sa panahon ng Duterte adminsitration.
Ang nasabing 6.1 porsiyento na lumabas sa pag-aaral ng SWS nitong third quarter ng 2018 na ang bilang ng mga pamilyang nabiktima ng tinatawag na “common crimes” ay bahagyang tumaas kumpara sa second quarters kasalukuyang taon.
Mas mataas ang bilang na ito kumpara sa 1.2 milyon, o 5.3 porsiyento, naitala sa second quarter ng taong kasalukuyan.
Kabilang sa mga itinuturing na common crimes ay ang pickpocket o robbery of personal property, break-ins, carnapping at physical violence.
Sa pag-aaral, nasa 1.3 pamilya ang nagsasabing nabiktima sila sa pamamagitan ng property crimes gaya ng street robbery, burglary, at “carnapping,” mas mataas na sa 1.2 million families na naitala sa buwan ng Hunyo.
Mayorya ng mga ito ay biktima ng street robbery na nasa 1.1 million families, mas mataas sa 930,000 noong Hunyo 2018.
Ayon pa sa SWS, mas maraming pamilya na nasa 159,000 ang nagsabing naging biktima ng physical violence sa loob ng anim na buwan na mas mababa sa ikalawang quarter ng taon.
Bumaba naman ang bilang ng mga Filipino na nagsasabing natatakot sila na baka pasukin ng mga magnanakaw ang kanilang mga tahanan na nasa 52 porsiyento.
“This is lower than the 55 percent recorded in June 2018, and the lowest since the 49 percent in December 2011,” anang SWS.
Kaugnay nito inihayag naman ng pamunuan ng Philippine National Police na pagpapakita lamang na seryoso ang Duterte administration sa pagbaka sa kriminalidad base sa single digit na inilabas ng SWS kumpara sa mga nakaraang administration na nasa double digit.
Sa naunang pahayag hinggil sa crime rate ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde…”Actually itong crime rate, pababa naman ito pa-downtrend na ‘to, although sabi ko nga, ‘di natin (kayang) gawing zero, at least i-minimize natin.
“Mapababa natin in the whole Philippines. Pababa na in the first two years of the Duterte administration. Almost 50 percent ang pagbaba. Meaning, maganda ang programa ng administration na ito” kung saan inihayag ni Albayalde na nanatiling nakatutok ang mga alagad ng batas sa laban kontra-droga at kriminalidad. VERLIN RUIZ
Comments are closed.