KRIMEN NG RIDING-IN-TANDEM NATAPYASAN NG 1K

RIDING-IN-TANDEM

CAMP CRAME – LUMIIT ang bilang ng krimen na kinasasangkutan ng mga motorcycle riding suspect o gawa ng riding-in-tandem criminals sa bansa, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos  ng pulisya, mula October 11, 2017 hanggang August 13, 2018, kabuuang 1,198 na krimen na gawa ng motor-cycle riding suspects (MRS) ang kanilang naitala.

Mas mababa ito ng 1,008 o  48% sa kanilang datos mula noong December 7, 2016 hanggang October 10, 2017 na umabot sa 2,206.

Mula October 11, 2017 hanggang August 6, 2018, 14 na indibidwal na ang nasawi dahil sa krimen na gawa ng motorcycle rid-ing suspects o MRS, 83 suspek ang naaresto habang 1,384 suspek ay pinag­hahanap pa.

Limandaan at dalawampu naman ay natukoy na ang pagkakakilanlan.

Tiniyak naman ni PNP Chief DG Oscar Albayalde na magpapatuloy ang kanilang mga operasyon kontra riding in tandem upang tuluyan nang matigil ang mga krimen gawa ng mga motorcycle riding suspect.     EUNICE C.

Comments are closed.