KRIMEN SA BANSA BUMABA NG 47%

Guillermo Eleazar

NAKAPAGTALA ang Philippine National Police (PNP) ng  47% pagbaba ng krimen sa buong bansa sa loob ng anim na buwan na pagpapatupad ng qua­rantine protocols kum­para sa sa kapareho ring panahon bago nagpairal ng community quarantine noong Marso 17.

Ayon kay P/Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Elea­zar, pinuno ng  JTF CO­VID Shield, mula sa 31,661 criminal incidents na naitala sa ilalim ng Eight Focus Crimes ng PNP mula Marso 16 hanggang Setyembre 25 ay bumaba ito sa 16,879 lamang mula Marso 17 hanggang Setyembre 16.

Ang datos kaugnay sa pagbaba ng criminal incidents sa bansa ay kumakatawan lamang sa 92 kaso na naitatala kada araw sa loob ng anim na buwan o katumbas ng 184 days ng  community qua­rantine period kumpara sa daily average na  172 cases kada araw sa loob ng anim na buwan noong wala pang umiiral na community quarantine.

“We have been conducting analysis of the crime situation in the past six months in order to identify the best practices and security adjustments that we could replicate in other areas and eventually institutionalized in order to sustain this momentum,” ani Eleazar.

Nabatid na ang  Eight Focus Crime ng  PNP ay binubuo ng murder, homicide, physical Injury, rape, robbery, theft, carnapping ng  Motorcyles at carnapping ng mga sasakayan.

Dahil dito, tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng police visibility at beat patrol sa mga lansangan at patuloy din na makipag koordinasyon sa mga  barangay officials upang mapaigting ang  peace and order measures hanggang sa mga komunidad.

Gayundin, ani Eleazar na sa panahong ipinatutupad ang enhanced community quarantine (ECQ) ay bumaba ang  criminal incidents ng  61% sa buong bansa. VERLIN RUIZ

Comments are closed.