KRIMEN SA METRO BUMABA

SA nakalipas na 14 na buwan malaki ang ibinaba ng bilang ng focus crime cases sa Metro Manila.

Ito ay batay sa Crime Statistics ng Philippine National Police.

Sa kanilang datos, 109,079 focus crimes ang naitala mula Nobyembre 10, 2020 hanggang nitong Enero 23.

Bumaba ito ng 16. 9 percent mula sa dating 131,320 focus crime incidents mula Setyembre 5, 2019 hanggang Nobyembre 9, 2020.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Brig Gen Roderick Alba ang mga focus crimes na ito ay ang homicide, physical injury, robbery, theft, vehicle theft, motorcycle theft, at rape.

Sinasabing dahilan naman ni NCRPO Chief MGen Vicente Danao Jr. sa pagbaba ng mga krimen na ito ay dahil sa suporta at pakikiisa ng publiko sa programa ng PNP partikular ang mga kampanya kontra krimen.

Ayon naman kay PNP Chief General Dionardo Carlos makikita rin ang kahalagahan ng magandang relasyon ng mga pulis sa komunidad para mas maging aktibo ang mamayan sa pagrereport ng mga nangyayari sa kanilang lugar.

“These forms of criminality saw a significant drop because of the partnership that our police personnel built with the communities. The locals learned to be more proactive in reporting potential threats so they can be suppressed even before a crime can happen,” anang PNP Chief.

Kaya naman patuloy ang panawagan nito sa lahat ng pulis na panatilihin ang mga estratehiyang nakakatulong sa magandang resulta ng anti-criminality campaign ng PNP. REA SARMIENTO