TAGUIG CITY -INIHAYAG kahapon ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na maituturing na bumaba ang krimen sa Metro Manila nitong 2018 kumpara noong nakaraang taon dahil sa patuloy na giyera kontra droga.
Ayon kay NCRPO Director Guilermo Eleazar, bumaba ng 21 porsiyento ang krimen sa Kalakhang Maynila na mula sa 18,524 crime rate nitong 2017 ay naging 14,633 lamang nitong 2018.
Ayon kay Eleazar na base sa kanilang datos ay bumaba ng 52 porsiyento ang kaso ng murder; bumaba rin sa 27 porsiyento ang mga kasong crimes against persons at nasa 17 porsiyento naman ang binaba ng crimes againts property.
Naniniwala si Eleazar na ang pagbaba ng crime rate sa Metro Manila ay bunsod ng patuloy na kampanya ng pamahalaan kontra droga. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.