KRIS AQUINO BACK TO WORK

Kumpirmadong babalik na sa limelight ang Queen of All Media na si Kris Aquino matapos ang mahigit dalawang taong hiatus dahil sa pagkakaroon niya ng sakit at pagpapagamot sa America.

Makakasama niya uli ang kanyang personal assistant na si Darla na hindi siya iniwan kahit noong pansamantala siyang mawala sa showbiz.

Balita namin ay ABS-CBN pa rin ang pinili niyang network, at parang makakasama rin niya dito ang kanyang anak na si Bimby Aquino Yap, nag-iisang anak ni Kris at ng basketball star na si James Yap.

Hindi pa rin malinaw kung ano ang magiging trabaho ni Kris, pero nasisiguro naming hindi ito mabigat dahil kahit magaling na siya ay medyo mahina pa rin ang kanyang katawan. Besides, may autoimmune pa rin siya kaya hindi siya pwedeng ma-stress.

Abangan na lamang natin ang mga susunod pang mangyayari.

RLVN