NAG-VIRAL ang paggi-guest ni Kris Aquino sa teleradyo program ni Cristy Fermin na “CristyFerminute” sa TV 5. First time iyon since umalis si Cristy sa “The Buzz” in 2008. Pero isa nang masaya at hindi na ang palabang Kris Aquino ang napanood.
Wala nang banggitan ng mga nangyari, maliban sa usapang pagmamahal sa mga magulang at mga anak. Marami pa ring revelations si Kris, tungkol kay Mayor Herbert Bautista, kay James Yap, ang reason kung bakit hindi siya puwedeng tumakbo sa coming 2019 elections, na hindi alam ng publiko, at nilinaw na lamang lahat para wala na raw issues.
Pasasalamat na lamang din ang ginawa ni Kris, kay President Rodrigo Duterte, kay SA Bong Gong at sa mga kasama niya sa industriya na sumuporta sa kanya. Special mention niya ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na inaanak niya sa kasal, si Kim Chiu, Mariel Padilla. Ang isa pa niyang pinasalamatan ang Kapuso young actress na si Bea Binene. Hindi raw niya personal na kilala si Bea, pero twice na silang nag-meet sa dalawang events na pareho silang guests, at ‘hi’ ‘hello’ lamang sila, hindi man daw lamang sila nagkausap, pero iyong bigyan siya ng suporta, malaking halaga na iyon sa kanya. Dalawang beses din daw nagpadala ng flowers sa kanya si Bea.
TELESERYE NG THAILAND PATOK NA RIN SA PINAS
TALAGA palang marami nang sumusubaybay sa first Lakorn (teleserye ng Thailand) na “You’re My Destiny” sa GMA 7. Dahil nang makausap namin si GMA First Vice President for Program Management Joey Abacan, ibinigay niya ang ratings ng serye na tampok ang Thai actors na sina Wisetkaew Sukrit as Paolo, Esther Supreeleela as Martina, umakyat agad ang ratings nito, 3rd night pa lamang matapos silang mag-pilot last Monday, June 4, after ng “Inday Will Always Love You.” At nang mag-post sila sa Instagram ng tungkol sa “You’re My Destiny,” magaganda ang comments ng netizens like si @maricarsaiyotorres “nakakakilig po gustung-gusto namin ng family ko.” @austriajeeann @dabest to… pinapanood ko to sana i-remake ng AlDub at @gmanetwork. Kahit si @benxalves (Benjamin Alves) ay gusto niya ang Lakorn. Marami na raw mga Pinoy ang nanonood ng Lakorn at Thailand movies dahil magaganda sila.
Ayon pa kay Joey, bukod sa Korean dramas, may nakuha na rin silang mga teleseryes from India, Turkey at Indonesia at soon, ita-try naman nilang ito ang susunod na ipalalabas after ng “You’re My Destiny.”
ORIGINAL SANGGRE IZA, DIANA, SUNSHINE, KARYLLE MAY PASABOG
NAG-POST na si Direk Mark Reyes sa kanyang Instagram na official na ang pagpu-produce niya ng movie kasama ang mga unang Sanggre ng “Encantadia” na sina Sunshine Dizon, Diana Zubiri, Iza Calzado at Karylle, sa kanilang #sanggreproductions. “Their magic will be back soon ang post niya at parang may hawak na powers ang apat, na parang sa “Encantadia.”
Kaya may nag-comment agad kung lilipat na raw ba ulit si Iza at Karylle sa GMA7 dahil sila ang magkakasama noon sa unang telefantasiya. Mabilis namang sumagot is Direk Mark na “this is not a TV series.”
Comments are closed.