KRIS AQUINO HINDI PA PWEDENG BUMALIK SA SHOWBIZ

Naibalita namin kama­kailang confirmed na ngang babalik si Kris Aquino sa show business at si Darla pa nga ang patuloy niyang magiging personal assistant, pero hindi pa pala ngayon. May sakit pa kasi si Kris at patuloy na lumalaban para sa kanyang kalusugan. In fact, na-confine na naman si Kris sa Makati Medical Center para sa panibagong procedure para sa iba’t ibang auto-immune diseases nito.

Gusto pa sana ni Kris sumama sa relief operations sa mga biktima ng bagyong Kristine, kaso, siya pala ang nangangailangan ng mas maraming atensyon.

Laging positive ang pananaw ni Krissy sa buhay. Kahit marami siyang pinagdadaanan, iniiyak na lang niya ang sobrang sakit na nararanasan at hindi nawawala sa puso niya ang pagtulong sa kapwa.

Kalakip ng post ang larawan ni Kris hawak-hawak ang isang walker.

Sobrang payat pa rin ni Kris sa 87 pounds at sobrang payat din ng kanyang legs kaya kailangan nita ng physical therapy. Actually, tumaba pa nga ngayon si Krissy dahil noong nasa US siya, umabot pa nga siya ng mahigit lamang 60 pounds. Pero laban lang siya palagi, at kung ang iba ay sumusuko na, hindi si Krissy.

Dahil nga nagpapagaling pa, medyo matatagalan pa kung ang pangakong pagbabalik ni Krissy sa ABS CBN. Kahit Talk Show, palagay namin, malabo pa. Hindi nga siya makatayo ng maayos, mag-talk show pa kaya?

Pero pag gusto may paraan. Sabi pa nga niya, ‘Let me get my health okay and the matulungin Kris will definitely be back. I just need to start working para may pang-share.’

So, yun pala ang dahilan kaya gustong magtrabaho ni Kris, para makisali at makapag-share sa relief. Kung tutuusin kasi, kahit malaki ang nagastos niya sa pagpapagamot, may sapat naman siyang pera para sa kanya at sa mga anak niya. Pero siguro, gusto lang talaga niyang bumalik sa pag-aartista dahil nakalakhan na niya ang pag-arte. Fifteen years old pa lang kasi, nasa showbiz na siya at dito na siya nagkaedad. Kaya nga napakarami niyang followers. At kaya nga tinawag siyang Queen of all Media.

“‘I don’t want sadness for my followers. Because I want them to continue praying. We all need to have faith although,” dagdag pa ni Krissy.

RLVN