KRIS AQUINO IBINULGAR NA MAHINA ANG PELIKULA; MASAMA ANG LOOB SA STAR CINEMA

KRIS-JULIA-JOSHUA

WALANG makakapigil kay Kris Aquino kapag may gusto siyang sabihin, tulad ng post niya sa kanyanghot shots Instagram kung saan ibinulgar niya na mahina raw sa takilya ang pelikula nila nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

“#satruelang I was disappointed sa 1st 2 days kasi ‘di nakakahiya ‘yung finished product & I gave all to #Sasha. Mostly, ayokong sirain ang box of-fice track record ng #joshlia.

“Then Friday, 1 by 1 nag-send ng pics through  iMessage and Viber lahat ng kusang nanood, mga barkada at pamilyang sabay-sabay nagbayad at nanood. Then, today habang binabantayan si kuya may friend akong simpleng nagsabi na may pa-block screening siya next week, may kaibigan na nan-libre ng staff of 20 para  bonding  nila, may mayor na pina-happy ang constituents niya, may friends na umuwing Nueva Ecija & 18 silang nanood, companies na nagpa-abot regarding how may tickets they reserved for their employees,” bahagi ng post ni Kris.

Ang dapat sana puwedeng magpahayag na kung mahina sa takilya ang pelikula ay ang Star Cinema pero knowing Kris nga ay hindi puwedeng manahimik lang kung talagang mahina ang kanilang movie.

Anyway, marami pang pinasalamatan si Kris na nagmamahal sa kanya na nagsabing manonood sila at ang iba ay nagpa-block screening pa na ikinatuwa at ikinaiyak ni Kris.

Sa sumunod na post ni Kris ay may hugot na ito na tila nagtatampo sa Star Cinema.

“I promised myself walang sisihan… marami pong pinagdaanan sa dati kong home network magmula nag-contract  signing hanggang mag-showing pero NAPANINDIGAN na hindi magsalita kahit bugbog  na bugbog na ang puso.

‘Yung premiere night  meron po akong 8 layouts pa, pero si Bimby ang nagsabi, you need to attend Mama, the ones being mean to you aren’t  the one part of the movie…

May last day of shoots ako today pero ito ‘yung gumising sa akin. Messages from  followers & friends asking paano ba nagpa-block screening & ‘yung last was a friend actually buying the whole screening for workers, friends, and family… I know why they are making this effort simply to show me na hindi ako nag-iisa.

From my heart, you have my eternal gratitude. Pinangako ko rin na no names will be mentioned BUT I have to say this, only 2 former coworkers  wished me well & they deserve this SHOUTOUT of gratitude –thank you @darla & @ericksalud.

These 2 messages you send will forever be saved in my memory bank of there are still true friends in this world… Sa inyong lahat na gumagawa ng paraan para iparamdam sa akin that  I matter to you-THANK YOU,” ang mahabang post ni Kris.

Kung para kay Kris ay mahina ang kinita sa takilya ng kanilang movie. How true na as of last Sunday ay nasa 40-M na raw ang box office returns ng kanilang movie sa 5 days of showing nito sa mga sinehan.

BARBIE FORTEZA AT JAK ROBERTO LANTAD NA ANG RELASYON

JAK-BARBIEHINDI na itinago nina Barbie Forteza at Jak Ro­berto ang kanilang relasyon. Inamin na nila na nakaisang taon na raw sila.

Una silang nagsama sa teleseryeng Meant To Be noong 2017. At naikuwento ni Barbie kung paano siya niligawan ni Jak.

“Inuna niya pong ligawan ‘yung mga magulang ko na parang sa panahon ngayon na text text na lang,”  say ni Barbie.

Ang nagustuhan naman ni Jak kay Barbie ay ang pagiging masayahin ng actress.

“Napakaganda ng personality niya. Kumbaga, walang problema sa kanya. Ang bilis niyang kausap, ang bilis niyang pakisamahan and mapagmahal siyang tao,” say ni Jak.

Inamin din ni Barbie na naging maingat sila ni Jak sa pagpo-post  ng mga larawan nilang dalawa sa social media. ‘Yun daw ay para maiwasan ang bashers  at haters.

Pero ngayon, one year na ang kanilang relasyon at naipapakita na ang kanilang pagmamahalan sa social media. Ipinapakita na nila sa YouTube video ang kanilang sweetness sa isa`t isa.

Ang maganda sa relationship nina Barbie at Jak ay tanggap ito ng kanilang fans.

Comments are closed.