FAKE news na nasa ICU si Kris Aquino at malapit nang mamatay. Siya mismo ang nag-video update sa Instagram para linawin ang lahat.
“Para klaro ang lahat, dahil gusto n’yong patayin na ako… Well, I’m not yet dead. I’m going to fight to stay alive,” pahayag ni Kris.
Sa video, makikitang nakasoot ng napakaraming alahas ni Kris – parang Christmas Tree – maagang Pasko.
Truth be told, tatlo ang confirmed autoimmune conditions ni Kris ayon sa mga doktor: chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, at vasculitis na nasa late stage 3 ng Churg Strauss Syndrome o EGPA.
Paliwanag pa ni Kris, ang chronic spontaneous urticaria ay pagkakaroon ng episodic hives o “raised, red, itchy bumps” sa balat.
Ang autoimmune thyroiditis o Hashimoto’s disease naman ay pinapatay ng immune-system cells ang hormone-producing cells sa thyroid gland. Ang thyroid gland ay gumagawa ng hormones na kumokontrol sa metabolic functions ng katawan.
Ang Churg Strauss Syndrome ay isang rare disorder na makasisira sa multiple organ systems, partikular na sa lungs. Nagkakaroon ng “abnormal clustering” ng white blood cells sa blood at tissues, “inflammation of blood vessels o vasculitis, at “development of inflammatory nodular lesions.” Kadalasang naaapektuhan nito ay mga indibidwal na may history ng allergy.
Ang third phase ng Churg-Strauss syndrome ay tinatawag na “vasculitic phase” kunsaan nagkakaroon ng “widespread inflammation” ng blood vessels at pagharang o pagbagal ng pagdaloy ng dugo sa iba-ibang organs ng katawan.
POKWANG, ANDREW E NAGKASUNDO SA BORACAY
Dahil tapos na ang elections at napakainit ng panahon, nagkanya-kanyang bakasyon ang mga celebrities na naging abala sa kampanya. As expected, dahil sabik na sabik sa kagandahan ng Boracay, doon sila nagsipuntahan, kabilang na ang tunay na “Kakampink” na si Pokwang at sugod-marinong UniTeam supporter na si Andrew E.
Hindi naman napakalaki ng Boracay kaya nagkita silang dalawa. Pero hindi po sila nag-away at sa halip ay nagkumustahan pa at nagpa-picture.
Ngayon raw na tapos na ang eleksyon at alam na kung sino ang nanalo, tapos na rin ang pagtatalo at pag-aaway ng mga supporter ng magkamilang Partido. Sabi ng ani Pokwang, sa bandang huli, repeto sa kapwa ang mananaig.
CHARO SANTOS MUNTIK NAG-OFW
Muntik na palang maging OFW si TV host Charo Santos-Concio noong kanyang kabataan.
Matapos raw niyang gawin ang pelikulang ‘Itim,’ nagtungo siya sa United States at nag-apply sa United Nations bilang executive assistant. Natanggap naman siya pero namatay ang kanyang ama kaya umuwi siya, at nag-iba na ang plano sa buhay. The rest is history.
PAGTSI-CHECK-IN NINA XIAN LIM AT BARBIE IMPERIAL SA DAVAO OR LUSOT SA MGA MARITES
Walang nagawa ang mga malisyosong marites sa mga netizens na nagtanggol kina Xian Lim at Barbie Imperial, nang ipagtanggol sila sa umano’y pagtsi-check-in sa isang hotel sa Mati, Davao Oriental.
Nag-post kasi ang administrator ng nasabing hotel ang larawan ng dalawa upang i-promote marahil ang establisimyento. Nakalagay sa caption: “Thank you so much, Mr. Xian Lim & Ms. Barbie Imperial for staying at Hotel Rosario Mati.”
Dumepensa agad ang maraming netizens kina Xian at Barbie. Kaya raw sila magkasama sa Mati City dahil celebrity guests sila ng candidato doon. Sa Facebook account ng nasabing hotel, nakitang naka-check-in din sa nasabing hotel sina Darren Espanto, BoyBand PH, Tony Labrusca, Bela Padilla, at Ivana Alawi. Wala pang komento sina Xian at Barbie ukol dito. Lalo namang walang comment si Kim Chiu.
BEAUTY GONZALES SINUWERTE DAHIL MABAIT
Lumipat na pala si Beauty Gonzalez sa Aguila Artist Management ni Becky Aguila matapos siyang walong taong mamalagi sa papahala ni Arnold Vegafria. Nagbago na raw kasi ang lahat at kailangang makisabay siya sa pagbabago.
Pinili raw ni Beauty si Becky dahil parang ina ito kung mag-alaga, at may tiwala siya dito.
Pero bago raw siya lumipat kay Mama Becks ay kinunsulta muna niya ang kanyang asawang si Norman Crisologo. Yet, siya pa rin ang pinagdesisyon nito.
Kahit pandemic, nanatili pa ring busy si Beauty sa napakaraming proyekto. Tawag nga raw sa kanya ng asawa niya ay “ang babaing walang pahinga.”
“I’m very thankful na tuluy-tuloy yung work ko, but I still know that I have to do a lot of work pa rin,” aniya. “Siguro importante talaga yung mabait ka, you deliver. It will take you a long way and you take care of yourself, you look good all the time.”
ANGEL LOCSIN TANGGAP NA NANALO SI BBM
Susuportahan ni Angel Locsin ang mga nanalong sina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte kahit sina Leni Robredo at Kiko Pangilinan ang ikinampanya niya noong halalan.
Umaasa umano si Angel na magiging mabuti ang pamumuno ng dalawa, at bilang Filipino, sana raw ay tama ang pagkaluklok nila.
“Ikakasaya ko ho kung mali kami at tama kayo,” dagdag pa niya. “Isa sa mga ipinaglaban natin ay ang demokrasya. Magkaiba man tayo ng stand, we should honor democracy and listen to the majority bilang ka-isang bansa.”