Nagpapahiwatig si Queen of All Media Kris Aquino na nagbabalak siyang bumalik sa showbiz, ngayong medyo maayos na ang kanyang pakiramdam.
E paano kaya? Sobra pang mahina ang kanyang katawan. Sinabi pa nga niyang natatakot siyang baka cancer naman ang kanyang maging sakit. Alam naman nating colon cancer ang ikinamatay ng kanyang inang si former President Corazon Cojuangco Aquino. Pati raw lola niya ay ito rin ang ikinamatay, kaya nga sumailalim raw siya sa PET (positron emission tomography) scan para makasiguro.
Hindi raw siya takot mamatay pero hindi niya ma-imagine na maiiwan niya sina Bimby Yap at Josh Aquino.
Hindi nga raw niya napigilan ang pag-iyak nang ipaliwanag niya kay Bimby na posible mga siyang magka-cancer.
Pero malakas daw ang loob ni Bimby kahit 17-years old pa lamang ito.
“Mama, until they do the biopsy let’s trust God that you’re cancer-free. Lola will make sure you’ll get through this and if ever, mama it’s early detection,” sabi raw ni Bimby.
Nagbiro pa raw itong palagay niya ay hindi pa excited ang kanyang Tito Noy (Pres. Benigno Aquino III) na makipag-reunion kay Kris dahil maingay ito.
At tama si Bimby dahil sabi ng oncologist na si Dr. Jonnel, cancer free naman daw siya.
Gayunman, tatlo sa autoimmune conditions ni Kris ay life-threatening dahil pwedeng ma-damage ang kanyang mga vital organs at blood vessels lalo ba ang artery na connected lungs at puso.
Pwede raw mamatay anytime si Kris sa aneurysm o cardiac arrest, kaya paano siya makakabalik sa showbiz? Masyadong sensitive ang kanyang health.
Alam naman nating grabe ang stress sa showbiz — kakayanin ba ito ni Kris?
Dalawang taong namalagi si Kris sa United States para ipagamot ang kanyang multiple autoimmune conditions. Medyo okay pa lang siya ngayon, hindi pa talaga okay. Naiintindihan kong artista siya kaya nangangati ang paa niyang makabalik sa dating mundo, but health comes first. I suggest, huwag muna, Kris. Pagaling ka muna. Social media na lang muna ang pagtiyagaan mo. May tamang panahon sa pagbabalik-showbiz.
RLVN