Kris Aquino magpapa-bone marrow biopsy

MAGSASAGAWA ng mga medical tests kay Kris Aquino kasama na ang bone marrow biopsy at endoscopy para masigurong magagamot ang kung anumang malubhang sakit ng Queen of All Media.

Pumayat na nang husto si Kris dahil sa sakit niyang autoimmune disease chronic spontaneous urticaria, kahit pa nakatanggap na siya ng full dose of a medication na tinatawag na Xolair injection. Sa ngayon, 38.5 kilograms (85 pounds) lamang ang timbang ni Kris.

Ani Kris, magkakaroon pa ng ikalawang dose ng Xolair about sa isang linggo tulad ng sinabi ng kanyang hematologist at oncologist na si Dr Francis.

Kahit walang cancer si Kris, gusto pa rin ng kanyang mga duktor na makasiguro. Mas gusto raw naman ito ni Kris para kung may makitang sakit ang mga duktor ay maagapan. Kaya sasailalim siya sa Pet Scan, Endoscopy, at bone marrow biopsy.

Samantala, humingi siya ng apology kay Sen. Joel Villanueva sa pag­kwestyon niya sa sinseridad sa kanyang kapatid na si President Benigno “Noynoy” Aquino III.

“Pasensya ka na very protective of his memory – bumabawi kasi sa mga pagka-brat ko sa kanya,” aniya. KAYE NEBRE MARTIN