KRIS AQUINO MAGPAPAGAMOT SA ABROAD

BUMATI ng ‘happy birthday’ si Kris Aquino sa kaibigang si Asia’s Songbird Regine Velasquez, kasabay ng pagpapaalam na mawawala siya ng isang taon para sa kanyang medical treatments.

Nagpasalamat din ang Queen of All Media kay Regine at Ogie Alcasid, dahil lagi siyang kinukumusta ng mag-asawa kay Darla Sauler.

Na-diagnose si Kris na may erosive gastritis and gastric ulcer bukod pa sa autoimmune disease. Pero kahit may sakit, dumalo pa rin siya sa campaign rally sa Tarlac para iindorso si Leni Robredo.

NADINE LUSTRE GUSTONG MAKATRABAHO NI JOEL LAMANGAN

Proud si Joel Lamangan na maidirek uli si Glydel Mercado sa pelikulang Fall Guy, at sana raw, mai-direct din niya ang iba pang mga beteranong artista tulad nina Gina Alajar, Gina Pareño, Vilma Santos, Sharon Cu­neta, Dawn Zulueta, Richard Gomez, at Christopher de Leon.

Gusto rin daw niyang makatrabaho sina Nora Aunor, Tirso Cruz III, Phillip Salvador, Dina Bonnevie, Rita Avila, Maricel Soriano, at Amy Austria.

Napakahusay na director ni Lamangan kaya kahit ang mga baguhang artista, gusto rin siyang makatrabaho. Pero sa mga millennials, si Nadine Lustre ang gusto niyang makatrabaho. Gusto raw niya kasi ang hitsura nitong Pinay na Pinay kahit saang anggulo.

Hopefully, pagkatapos ng eleksyon, may mga pagbabago sa industriya ng pelikulang Pilipino. Sana rind aw, dinggin ang proposition niya sa FDCP (Film Deve­lopment Council of the Phi­lippines) na i-subsidize ng gobyerno ang cost ng sinehan.

“Kasi, nagbabayad naman tayo ng tax. Kaya sana, i-subsidize. Kung P350 o P250 ang bayad sa sine, P150 sa government,” ani Lama­ngan. “Sa ibang coun­try, subsidized. Sa South Korea, alaga ng gobyerno ang movie industry. Sa Thailand, ganun din.”

PATRICK SUGUI NAPIKON SA INTRIGERONG BASHER

Nilinaw ni Patrick Sugui sa mga intrigerong marites at Marisol na hindi nakadalo ang magkasintahang Kathryn Bernardo and Daniel Padilla dahil naka-lock in tapis sila at hindi sila pinayagan ng kanilang director na lumabas.

Aniya, nagpapaliwanag siya hindi sa mga tsismoso kundi kay actress Gabbi Garcia at sa boyfriend nitong si Khalil Ramos dahil wala naman talaga siyang dapat ipaliwanag.

In fairness, success naman ang kasalan kung saan dumalo rin sina Vice Ganda, Julia Barretto, at Dominic Roque. Kahit hindi nakadalo sa kasal ang magkasintahang Kathrine at Daniel, present naman sila sa engagement kaya malinaw na walang problema ang magkakaibigan.

HIPON GIRL HOPING NA MANALO SA BB PILIPINAS

Umaasa si Herlene Budol, a.k.a. Hipon Girl, a mananalo siya sa Binibi­ning Pilipinas at ire-represent niya ang Pilipinas sa international beauty pageant.

Ayon sa comedian at dating “Wowowin” co-host, answered prayer ang pagkasama niya sa 40 candidates, kaya ngayon, iba naman ang ipapanalangin niya – ang manalo sa kumpetisyon. Malay mo nga naman?

Nakikiusap din si Budol sa kanyag mga fans na suportahan siya at tulungang magdasal, at protektahan sa mga bashers. Hinding hindi raw siya magbabago kahit magtagumpay pa siya.

RIA ATAYDE PALABAN DAHIL KAY KATHRYN BERNARDO

Ngayong 30 years old na si Ria Atayde, mas palaban na raw siya sa pagpapakita ng sexy photos. Malaki raw ang kinalaman dito ni Kathryn Bernardo, dahil ito ang humikayat sa kanya. Hindi man daw siya sing-sexy o sing-daring ng iba, may maipagmamalaki naman siya kahit paano.

‘More skin pa ba? OK!’ To me, it’s like a role. For that day, my role was a da­ring model,” sabi ni Ria.

Hindi raw naman sa gusto niyang makakuha ng more daring roles. Pero kung may daring roles na worth being daring, pwede raw naman.

BARON GEISLER OPENS UP ABOUT HIS ALCOHOL RELAPSE

Nagpilit magbago si Baron Geisler nang magpakasal siya kay Jamie Eva­ngelista, lalo pa nang isilang ang anak nilang si Talitha.  Gusto na talaga niyang itigil ang kanyang alcohol addiction.

Kaso, nagkaroon daw ng relapse, ayon sa kanyang asawa. Sa ngayon, umaasa raw si Baron na mabubuo uli ang kanilang pamilya, kapag pareho nang malamig ang ulo nila.

May sinusunod raw sila ni Jamie na “12-step prog­ram,” pero na-break ito. Sa ngayon, nakatira raw siya sa Bulacan para mapilitan siyang sundin ang program at nang gumaling na rin siya. Iba raw ito kesa sa mga ginawa niya sa rehab, dahil dito, natututo siyang mabuhay ng simple at maayos. Gumagawa sila ng community service, nagwo-work out araw-araw, at mismong siya ang nagluluto ng pagkain niya. Kumikita rin daw siya para sa kanyang pamilya.

Ani Baron, mahirap intindihin ng ibang tao ang kalagayan niya dahil sa Pilipinas ay normal lamang ang pagiging lasenggo. Ang hindi alam ng lahat, mahirap ang sitwasyon niya at pilit niya itong pinaglalabanan para sa kanyang pamilya.

ELISSE JOSON, MACCOY DE LEON HINDI NAGMAMADALING PAKASAL

Kahit isinilang na ang anak nilang si Felize, wala pa sa plano nina Elisse Joson at McCoy de Leon ang pagpapakasal. Mas mahalaga raw na maiayos muna nila ang kinabukasan ng bata bago nila isipin ang pagpapakasal.

Hindi raw sila nagpapa-pressure sa sinasabi ng tao dahil alam nila ang kanilang ginagawa. Ayaw daw nilang magmadali at pagkatapos ay magsisisi lamang sila kalaunan. Gusto raw nilang emotionally at financially prepared na sila bago sila pakasal.