KRIS AQUINO MAGPAPALAKAS PARA HARAPIN ANG KALABAN

KRIS-AQUINO-2

PABORITO pa rin pag-usapan sa social media at parlor ang nangyayari ngayon sa buhay ni Krishotshots Aquino.

Nasa bansa na si Kris at may pasabog ito agad sa Instagram, YouTube live na ginawa niya lsat Monday, January 15.

“Hi, I`m alive. Sorry doon sa mga gustong akong ma-dead. I`m alive. And mag-unahan na lang tayo. Okey,” say ni Kris.

Wala ring paligoy-ligoy na sinagot ni Kris ang mga naging pahayag ng kalaban niyang si Nicko Palcis.

“Diretsuhin ko muna ‘yung ano, the isyu na, mga pasabog na gusto mo, na akala mo fireworks, hindi naman pala.

“I`m  not like you. Hindi ko kailangan ang kakampi. Kung sino-sino ang dinadamay mo.

“Diretsahan  na, kanino bang ideas ‘yung mang-away ng tao, sa iyo `yon, ‘di ba?  Kasi hindi naman namin style `yon. All throughout the years, nan-damay ba ako ng iba? Lahat ng away ko diretso, ako lang. Ikaw may idea niyan.

“And let me clarify this. I was in contact with the family, baptismal ninang ko ang mommy ni Mar Roxas. So, kausap ko ang first cousin ni Mar, and we are fine. So, do not try,” say pa ni Kris.

“I don’t  shy away. Hindi ako duwag. Kahit mamamatay na, hinaharap ko ang mga accusation.

“And I said, I answered direct to the point. Hindi ako katulad mo, binabato kung kani-kanino.”

Inamin din ni Kris na mas naapektuhan siya nang idamay raw ang kanyang mga kapatid (Ballsy, Viel, Pinky).

“Dinamay mo ang sisters ko. This was my fault…” patuloy pa ni Kris

May usap-usapan na may ilang politiko raw ang nasa likod ng mga nangyayari ngayon kay Kris. Na kesyo, ginagamit daw ang isyung ito kay Nicko o si Nicko mismo para pabagsakin si Kris at para hindi makatakbo sa 2022 election.

“Hindi ako magpapa­ngalan ng ibang pangalan. Alam ko naman, sila pumopondo sa machinery now. Hindi ninyo ba na nagi-gets, I`m not healthy enough for 2022.

“But  let`s be honest, sa ginawa niyo sa akin, magpapalakas ako. Humanda kayo. Pero ‘di ba, turo ng dad ko, don’t  tell them your plans, just do it. So, humanda kayo magpapalakas  talaga ako.

“The Palcis family, they`re  just  paws. Parang sa chess ‘yon. Being use by…”say pa rin ni Kris.

So, hindi man diretsong sinabi ni Kris ay tila papasukin na rin niya ang politics. At kapag nangyari ito ay posibleng manalo ang isang Kris Aquino.

JESSY MENDIOLA NAKIPAGKITA SA LEBANESE FATHER

HINDI nasayang ang pagpunta ni Jessy Mendiola sa Abu Dhabi dahil muli silang nagkita ng kanyang Lebanese father. Ipinost pa ni Jessy sa Insta-gram ang larawan nilang mag-ama kung saan nakayakap pa siya sa kanyang daddy.

Ipinagmalaki ni Jessy ang magandang moment nila ng kanyang father.

“My King flew all the way from Bahrain just to see me, papa,” caption ni Jessy.

Hindi ‘yun ang unang pagkikita nila ng kanyang ama, pero dahil magkalayo ang kanilang bansa kaya malaking kasiyahan sa actress ang pagkikita nilang mag-ama.

Namana ni Jessy sa ama ang kutis nito at ma­ging ang natural color ng mata ng Lebanese father.

Magandang pagsalubong nga kay Jessy ang pagpasok ng taon 2019 dahil extended ang entry movie niyang The Girl In The Orange Dress at ang pagkikita nga nilang mag-ama.

Natural na unang-una nasiyahan sa pagkikita muli ni Jessy at ng ama ay ang kanyang boyfriend na si Luis Manzano.

Comments are closed.