KABOGERANG tunay talaga itong si Kris Aquino.
Imagine kahit na wala siyang gaanong project ay intact pa rin ang kanyang franchise na Jollibee, Mang Inasal at Chowking na may tatlong branches na makikita sa Ali Mall at Rotonda. Nasa hometown naman ng kanyang Mommy Cory Aquino sa Tarlac ang branch ng kanyang Jollibee at Mang Inasal na located sa 960 Aurora Blvd., Bagumbuhay, Quezon City.
Maganda ang samahan ni Kris at ng Jollibee Foods Corporation na may-ari ng tatlo niyang food chain franchise. Nariyan din ang ilang franchise ni Kris ng Potato Corner at sarili nilang Nacho Bimby na ang company ay nakapangalan naman sa anak na si Baby James.
“I have to be able to offer something more than the fame, the popularity, and the last name so kailangan may success ako sa negosyo,” pahayag pa ng controversial host, kung bakit nito pinasok ang pagnenegosyo.
Malaki pa rin ang binayarang tax ni Kris ngayong taon dahil sa mga naturang negosyo.
MCCOY DE LEON MAY MAINIT NA EKSENA KAY ROXANNE BARCELO
MUKHANG nalilinya na si Mccoy de Leon sa medyo pa-sexy character. Unang nabinyagan ang Kapamilya actor sa digital movie series nila ni Jane Oineza na “Project Feb. 14” na napanood sa iWant.
Napakainit ng eksena nila ni Jane sa nasabing movie. At ngayon dito sa latest film ni Mccoy na “G” na tampok sa Pista ng Pelikulang Pilipino ay may love scene sila ni Roxanne Barcelo.
EB DABARKADS MAPANONOOD NG LIVE SA DUBAI NGAYONG NOVEMBER
MATAGAL-TAGAL na ring hindi nakakapag-show ng live sa ibang bansa ang EB Dabarkads, kaya’t maraming kababayan natin sa abroad ang nami-miss sila. Kaya ngayong Nobyembre ay mapagbibigyan na ang request ng Pinoy community sa Dubai na masilayan ang kanilang favorite hosts sa longest-running noontime variety show on TV.
Yes, tuloy na tuloy na ang Dabarkads ng @eatbulaga1979 sa Dubai, UAE. Titled “Eat Bulaga sa Dubai,” magaganap ito sa Dubai World Trade Center on Friday, November 15, 7 PM. Maliban sa hatid na entertainment ay siguradong mamumudmod din ng papremyo ang EB Dabarkads, na madalas nilang gawin sa mga show nila abroad.
Comments are closed.