HINDI puwedeng makalimutan ni Kris Aquino ang petsa at buwan nang magpa-secret married sila ni James Yap at nagbunga ng isang matalinong baby boy na tinawag nilang Bimby. To be exact, Hulyo 10 nang ikasal sila, kaya naman may touching message siya para sa tatay ni Bimby sa kanyang Instagram account na tila nakikipagbati na ito sa sikat na basketbolista.
Nag-post si Kris ng quotation card kung saan nakasaad ang mga katagang: “She is at a place in her life where peace is her priority and negativity cannot exist.”
Sa caption naman ay nakasaad ang: “13 years ago today we made a commitment BUT fate took us in different directions. Yet, together we produced 1 of my 2 greatest achievements a.k.a BIMBY… I sincerely wish you & your growing family peace & lasting happiness,” post pa ni Kris sa kanyang Instagram account.
Magandang gesture ito ni Kris na maayos kung anuman ang naging gusot nila ng tatay ni Bimby at sigurado na masayang-masaya si Bimby na makitang nagkaayos na ang kanyang mga magulang.
DINGDONG AT DENNIS MAGSASAMA BILANG ‘ABEL AT CAIN’
KUNG walang magiging aberya ay posibleng matuloy ang pagsasama sa teleserye nina Dindong Dantes at Dennis Trillo na Cain at Abel. Nasa scripting stage na raw ang creative team na siyang hahawak sa big-budgeted project na ito.
Hanggang ngayon ay hindi alam kung sino ang makasasama nina Dingdong at Dennis. At pahulaan pa rin kung sino ang magiging director ng Abel at Cain. Maging kung sino ang gaganap na Cain at Abel kina Dingdong at Dennis ay pinag-uusapan pa ng creative team.
Dahil sa ganda ng istorya ng serye ay naghahangad din daw ang mga Kapuso stars na mapasama sa cast ng Abel at Cain. Kung kailangan daw mag-audition ay nakahanda ang halos lahat daw ng Kapuso stars para lang mapasama sa biggest project ng network ngayong taon.
Pinost na nga ni Dingdong sa IG story niya ang larawan kung saan sila ay magkasama ni Dennis at may caption na “Brothers” na isang clue na rin para sa role na gagampanan nila sa Abel at Cain.
TOM RODRIGUEZ AT CARLA ABELLANA KASAL NA LANG ANG KULANG
KASAL na lang ang kulang para tawagin na mag-asawa na sina Carla Abellana at Tom Rodriquez. May pa-bucket list na nga sila bago magpakasal.
Isa sa mga listahan ay ang pagkakaroon muna nila ng sariling matitirahan pagkatapos ng kasal at magiging bahagi ng kanilang pamilya.
As of now, ay settled na ang pamilya ni Carla dahil napagawan na niya ito ng sariling bahay. At para na ring nakabukod sila kung sakaling itakda na ang kanilang pagpapakasal.
Para kay Tom, si Carla ang Wonder Woman ng buhay niya at ibinahagi niya ang kahalagahan ng actress sa isang mensahe sa Instagram sa kaarawan ng mestisang actress.
“To the most radiant soul I know who never ceases to inspire, amaze and endow me with a sense of awe and wonder… to my Wonder Woman, I wish for you the fruition of all your passions and dreams.
“My wish for myself however is to be right beside you throughout this journey so I may bathe in your iridescent light and bear witness to all that you set out to do all that I know you are infinitely capable of…
To my rockj, my heart… Happy Birthday. I pray that yours is a heart brimming with all the happiness I serve. I love you @carlaangeline,” caption ni Tom.
Comments are closed.