HINDI naman daw nagpapaawa ang Queen of MultiMedia na si Kris Aquino sa pagpapatawag niya ng media para ihayag ang lagay ng kanyang kalusugan na lubha na niyang ikinababahala dahil sa takot na mawala na sa tabi ng kanyang two boys na sina Joshua at Bimby.
May mga kontrata na pala sa kanyang endorsements na tatamaan dahil nga sa kasalukuyan niyang sitwasyon na hindi madali.
May mga pagkakataon na nga raw na hindi siya makatayo o ang simpleng takbo ng kapaligiran eh, puwede nang makaapekto sa kanyang buhay.
Nakikiusap naman siya sa isang Atty. Nicko Falcis na harapin na nito ang mga kasong iniharap niya.
Ayaw raw niyang mawala sa mundo na masabihang isang sinungaling.
Katotohanan, nasaan ka na nga ba? Puwedeng bilisan mo na ang paglabas? Nahihirapan na si Kristeta!
JODI STA. MARIA MAY RESBAK NA TATLONG PELIKULA
NAMI-MISS niyo na ba sa TV at pelikula ang premyadong aktres na si Jodi Santamaria?
Puwes, get ready dahil tatlong pelikula ang sunod-sunod na tatapusin nito before she embarks on an international project with Hollywood feels!
Kinakabahan nga lang daw ang aktres sa proyektong hindi pa niya puwedeng i-spill dahil baka kung nasa set na siya eh, ma-tongue tied na siya sa mga makaka-eksena niya sa nasabing proyekto.
Deserved naman ni Jodi na mapasama at mapasabak sa pelikulang Hollywood ang scenario. At kung sino o sino-sino pa man ang maka-eksena nito eh, tiyak na lalaban at lalaban ang ating aktres.
MAGIC CORN IS NOT CORNY
KUNG bakit sa mais natuon ang pansin ng prime mover ng Magic Corn Philippines na si Pearl Villareal eh, sa dahilang ito pala ang ginawa niyang thesis sa kolehiyo. Naisantabi lang niya nang tumakbo na ang buhay niya sa marami ring negosyong hinarap niya rito at sa ibang bayan.
Pero ang adbokasiya ni Pearl at ng kapatid na si Richard ay makapagtatag ng kompanyang committed sa pag-explore at pag-develop pa ng mga produkto at ideyang makatulong pa sa nakararaming mga tao.
Ang pagpapalaganap muna sa produktong tatangkilikin ang pinag-inam.
Pamilyar na tayo sa sweet corn. At ito ang pinalago ng kanilang Malaysian partners sa mga farmland na ang lupa ay mataba na may sangkap ng potassium, phosphate at nitrogen na siyang kailangan ng paglago ng sweet corn.
Idagdag pa riyan ang modernong teknolohiya sa pagpapalago ng mais sa pamamagitan ng kanilang research team para sa mas mahabang buhay o shelf life at sustansya ng produkto.
Eto na nga ang Magic Corn Philippines Inc. At ang ini-enjoy na ng mga nakabibisita sa kiosk na kailan ay binuksan sa Building B ng Megamall’s 5th level.
Sa tulong ng kaibigan ng mga Villareal na si Ms. Wilma Galvante, nabuksan na ang ikalawa nilang puwesto sa SM Megamall (ang una ay sa Clark). At mas marami pang puwesto ang kakalat sa sari-saring malls para malasahan ng Pinoy ang non-GMO na nutritious sweet corn na deliberately delicious.
Ano pa ang hinihintay natin?
Eto na ang naiiba at mas masustansyang klase ng sitsirya-crunchy, healthy, juicy, nutritious and 100% natural.
Hindi naman corny sabihin na may magic sa magic corn na ito!
Comments are closed.