May COVID 19 pa pala! At ang biktima ay ang panganay na anak ni Kris Aquino na si Joshua Aquino.
Ang nakakabahala, na-expose daw si Kris at ang pangalawa niyang anak na si Bimby Aquino Yap. Okay lang si Bimby dahil malakas naman ang resistensya niya — pero si Kris, alam naman nating may autoimmune problem siya. Bawal siyang magkasakit.
“Kuya Josh got Covid again, Bimb was exposed — we were all freaked that I could also have Covid,“ ani Kris. “Kuya is now PCR negative. THANK YOU Jane & nurse Mary for isolating and caring for kuya!”
Nakalabas na raw sa ospital si Kris pero syempre, nagwo-worry pa rin sya. Sabi nga niya, ayaw pa niyang mamatay alang-alang sa kanyang dalawang anak, at kahit anong sakit na dadapo sa kanya ay laging delikado. Ipagdasal na lang nating hindi siya nahawahan ng COVID.