TULAD ng ibang negosyo sa ibang panig ng mundo, marami sa ating celebrities ang naapektuhan ang kanilang mga business dala ng COVID-19 crisis. Karamihan sa kanila ay pansamantalang nagsara at nahinto ang operasyon.
Kabilang dito si Kapuso star Kris Bernal sa mga business owner na umaray sa community quarantine dahil ilang buwan na ring hindi nag-o-operate ang kanyang restaurant business dahil sa banta ng COVID-19.
Pero ngayon na nagkaroon na ng “new normal” at may mga kainan na magbabalik ang dine-in operations sa general community quarantine (GCQ) areas, matinding pagpaplano raw ang ginawa ni Kris para maging safe ang mga empleyado at customers sa pagbubukas ng kanyang restaurant.
Ani Kris, “ang hirap talaga. Nag-adjust talaga ako from operations, menu and sa sanitation nu’ng restaurant, sa number of employees na pa-pasok.
“May rental fees ka pa, may electricity ka pa. Ang dami mong iko-consider pero syempre ‘yung benta hindi pa rin gano’n kalakas katulad nu’ng dati,” aniya.
Sa ngayon ay bukas na ang pick up orders ng restaurant ng aktres pero, “no mask, no entry” pa rin dito.
Kabilang din sa mga paghahanda ni Kris ang paglalagay ng disinfection mat, alcohol at plastic curtain para sa improvised counter kung saan kukuha ng orders.
Bukod naman sa bumabang kita ng kanyang negosyo, inaalala rin ni Kris ang kalagayan ng kanyang mga empleyado.
“Since we have 18 employees, so d’un pa lang sinusuportahan mo sila and gusto na rin nila ng trabaho. At least, kahit papano may natutulungan ka,” aniya.
Binuksan ni Kris ang kanyang latest business venture, ang House of Gogi, noong August 2019.
DALANGIN NI ALDEN ANG KALIGTASAN NG BAWAT PINOY SA GITNA NG GCQ AT TRANSITION SA NEW NORMAL
TULAD ni Kris, isa si Kapuso celebrity Alden Richards na may mga negosyong naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Alden has three branches of Concha’s Garden located at Tagaytay, Cavite and one in Scout Madrinan in Quezon City, apart from his fast food franchise.
Ngayon na nasa transition na ng new normal, naghahanda na rin si Alden para sa muling pagbubukas ng dining operations ng kanyang mga restaurant at umaasa siya na babalik sa dati kahit paano ang operasyon. Susundin niya ang government guidelines para sa muling pagbubukas ng kanyang mga negosyo.
Pero higit sa lahat, ibinahagi rin ni Alden na umaasa siya na makita niyang muli na marami na ang mga bumibiyahe at bumabalik sa kanil-ang mga trabaho na ligtas.
Sa kanyang post sa Instagram, “Praying and looking forward to the day we can ALL safely go back to work, go out to travel, and see each other again.”
Nataon din ang kanyang wishes sa pagbabalik sa APT studio para sa pagla-live ng Eat Bulaga na may physical distancing.
Pansamantala pa ring hindi tumatanggap ng studio audience ang programa at ang ibang Dabarkads na naka-zoom from home.
WILLIE REVILLAME MAY PAYO SA MGA KAPUSO NGAYONG GCQ NA
BAGAMA’T may transition na ang bansa sa general community quarantine (GCQ) at new normal, hindi pa rin tayo makaiiwas sa banta ng COVID-19 kaya nagpaabot ng paalala si Willie Revillame.
May payo si Willie Revillame sa publiko na patuloy pa ring mag-ingat kahit na ibinaba na sa general community quarantine ang guidelines bilang pagsugpo sa pagkalat ng COVID-19.
Hinikayat ni Willie ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang programang Wowowin na huwag pa ring lumabas kung hindi naman kina-kailangan.
Aniya, “Mahirap ho kasi ang problemang ito eh. Magugutom, magkakasakit, ‘di ba. So dapat ho aayusin talaga ‘to. Tulong-tulong. Makinig na muna ho tayo at magpasensya talaga tayo, walang magagawa. Hindi lang ho Pilipinas ang nagsa-suffer ngayon, buong mundo.”
Ang Wowowin napanonood mula Lunes hanggang Biyernes sa TV at sa official verified social media accounts: www.facebook.com/GMAWowowin sa Facebook, www.youtube.com/Wowowin sa YouTube, at twitter.com/gmanetwork sa Twitter.
Comments are closed.