KUNG dati-rati ay palihim pa kung magtagpo sa ibang bansa sina Kris Bernal at ang kanyang non-showbiz boypren na isang businessman na si Perry Choi, ngayon ay open na open na si Kris sa pagsasalita hinggil sa kanyang bagong karelasyon. Halos ilang taon ding naging loveless si Kris after ng break up nila ng dating boypren na si Carl Guevarra.
Noong magpunta si Kris sa Korea para kumalap ng kaalaman hinggil sa Korean Grill restaurant para sa balak na pagpapatayo ng isang restawran sa bansa ay kasa-kasama ni Kris ang boypren. At kung sa mga naunang trip nila sa ibang bansa ay ‘tahimik’ si Kris, ngayon ay mismong si Kris pa ang nagkukuwento ng kaganapan sa pagpunta nila ng boypren sa Korea kamakailan.
May time pa na nakikita raw ang boypren ni Kris na kasama sa set ng kanyang bagong teleserye na “The Cure”, kung saan ay survivor ang kanyang role at magiging kaisa siya nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez sa pagsugpo ng mga nagkakalat na deadly virus.
Tsikang kasing malaki rin daw ang role na lalabasan ni Kris kahit bagong pasok lang siya. May bashers na nagtataka kung saan pa kinukuha ni Kris ang kanyang energy, dahil napagsasabay-sabay niya ang kanyang showbiz career at bisnis.
Ani ng Kapuso young actress, disiplina sa sarili at palagiang pag-gigym para mapanatili ang figure at kalusugan. Say pa rin ni Kris, na kahit pagod na pagod na sa taping ay go pa rin ang byuti niya sa gym.
TOM RODRIGUEZ NATUPAD ANG PANGARAP NA MAGING ACTION STAR
HABANG tumatagal sa ere ang “The Cure” nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez, kapuna-puna na tumitindi rin ang mga action scene na ginagawa ni Tom. At tulad ng kanyang mga naunang pahayag, hindi raw talaga pumapayag si Tom na mag-double kahit pa sabihin na mahirap at sadyang nakakatakot ang kanyang gagawin.
Say ni Tom, pangarap talaga niya ang maging isang action star at ngayon na nabigyan siya ng pagkakataon na matupad ito ay ginagawa naman niya ang lahat para mabigyan ng justice ang kanyang mga maaksiyong eksena.
Say pa rin ni Tom, super enjoy daw siya pag gumagawa siya ng maaksiyong eksena. Kaakibat naman nito ay ang super na pag-iingat na ginagawa niya tulad na lang na mahabang oras na pagpapahinga para makondisyon ang katawan at magawa ng maayos ang kanyang stunts. Dedma pa rin si Tom kahit marami siyang pasa at sugat sa katawan. Pabiro pang sinabi ni Tom na insured naman daw siya at sayang daw ang insurance niya kung hindi magagamit.
KATRINA HALILI AYAW I-EXPOSE ANG ANAK SA SHOWBIZ
HABANG lumalaki ang unica hija ni Katrina Halili na si Katie ay unti-unti na itong nakikitaan ng hilig sa pagkanta at lumalaki rin na magandang bata ang baby nina Katrina Halili at Kris Lawrence. At dahilan parehong nasa showbiz world ang mga magulang ay marami ang nagsasabing malaki ang chance ni Katie na maging artista/singer din tulad ng kanyang mga magulang.
Pero para kay Katrina, hindi siya okey na pasukin ng anak ang showbiz. Feel ni Katrina na mag-aral na muna ang anak at siya na lang daw ang bahalang magtrabaho para sa kinabukasan ng anak kahit pa tumanda na raw ang actress.
Kapuna-puna rin na mataas ang timbre ng boses ni Katie, masasabi kaya ni Katrina na namana ng anak niya ang talent sa pagkanta sa ama? Aminado si Katrina na hindi ganoon kataas ang timbre ng kanyang boses kung kaya pasok kay Kris ang boses.
Bukod sa pagkanta nakikitaan kay Katie ang husay sa pagpinta at sa mga musical instrument, tulad ng trumpet. Sa ngayon ay abalang-abala si Katrina sa “The Stepdaughters” nila nina Megan Young at Mikael Daez.
Comments are closed.