PROUD ang Kapuso actress na si Kris Bernal na makasama sa cast ng “KontrAdiksyon” na idinidirehe ni Njel de Mesa at iprinuprodyus ng Bell Films, ang movie production arm ng Universal Records.
Ayon pa sa kanya, kakaibang Kris ang mapapanood ng fans at followers niya. First time rin daw niyang gaganap bilang isang babaeng sangkot sa illegal drug syndicate na hinahabol ng mga pulis.
“Hindi ko nga alam kung handa na ang tao kasi, ito talaga, intense and not just iyong eksena na involved sa drugs kundi pati iyong mga scenes, mga love scenes at mga sexy scenes. Minsan naka-lingerie lang ako. Tumatakbo akong mag-isa na naka-bra at pants lang. So, hindi ko alam kung paano ako tatanggapin ng mga tao for that. I guess, it’s something that would excite people then and look forward to see. At saka, I guess, if I could pull off a character na may angas at bad na ako ay makikilala bilang versatile actress. Hindi ko naman tatanggapin ito kung hindi ako macha-challenge. I’m still after na makilala ako as a versatile actress. I’m still after that,” pahayag niya.
Wish din niya na maging daan ito para makilala siya bilang award-winning actress locally and internationally.
“Thankful ako for the opportunity kasi ilalaban siya internationally. Alam mo iyon, this could be a big chance for me to bag awards or whatever, and for so long in the industry, for eleven years in the industry, I guess, sana ito na ang magbigay ng award sa akin,” aniya.
Intense din daw ang mga eksena niya lalo na ang mga chase sequences sa pelikula.
“More on running siya, kasi lagi kaming tumatakas ni Jake Cuenca. Napaghandaan ko naman dahil basically I go to the gym weekly and physically fit naman ako. I don’t think there’s gonna be a problem in those action scenes, but so far, I don’t have those punches, those kicks na mag-aksyon. Most of the scenes, talagang tumatakbo kami kasi we’re running from people na gusto kaming hulihin. Hahabulin kasi kami ng mga pulis at mga tao sa government. So, pure running lang siya,” lahad niya.
Bago raw niya tinanggap ang role, ipinaliwanag daw mabuti sa kanya ang role niya.
“Binigyan nila ako ng background story. Siyempre, sinabihan nila ako what’s happening now, na ganito iyong isyu na, kung ganito kabigat ito at kung ano nangyayari sa ating bansa. Well informed naman ako about the issue. Hindi naman ako tinanong kung pro-Duterte ba ako o hindi,” esplika niya.
Nilinaw rin niya na hindi propaganda ang pelikulang “KontrAdiksyon”.
“No. It’s not a propaganda. It will somehow bring peace to people who don’t understand the drug issues in our country. It will give them more understanding at the same time, makikita nila, kung ano ba talaga ang nasa likod ng isyu ng drugs, o kung ano ang nangyayari, paano ba kumakalat iyon at sino ba talaga ang dapat pagkatiwalaan. Iyon ang iko-cover ng movie,” sey niya.
Hindi rin daw siya iyong tipo na mahilig makisawsaw sa isyu ng politika.
Hirit pa niya, eye opener daw sa kanya ang pelikula dahil marami siyang na-realize habang ginagawa ito.
“The script kasi, let me understand parang… huwag kang maging one-sided. The script kasi was very compelling and very emotional siya. Tinuruan niya ako na intindihin din iyong side ng ibang tao. Though, for me, if you ask me, I’m still against it but we should understand each other’s situations. May kanya-kanya tayong buhay, may kanya-kanya tayong responsibilities in life. May kanya-kanya tayong dreams. Intindihin na lang natin, kung paano tayo makakapag-provide sa family natin, and kung paano ma-a-achieve ang dreams natin,” ani Kris.
Gayunpaman, hindi raw niya sinusuportahan ang anumang uri ng karahasan o paglabag sa karapatang-pantao pagdating sa pagsugpo ng problema ng droga sa bansa.
Speaking of her love life, happy si Kris sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend at business partner na si Perry Choi.
Comments are closed.