HANDA nang mag-move on ang TV actress na si Kris Aquino kasabay ng pagbawi niya sa hamon kay Presidential Communication Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson.
Napag-isip na umano ng Queen of Online World na hindi sila magka-level ni Mocha.
Ayon pa kay Kris, wala siyang mapapala sa pagpatol kay Mocha dahil alam niya kung ano ang level nito.
Iginiit nitong magkaibigan na rin naman sila ni Pangulong Duterte kaya wala na siyang pakialam kay Mocha.
Matatandaang hinamon ni Kris si Mocha na gawin siyang punching bag nito kaugnay sa umano’y pambababoy at pambabastos ni Mocha sa kanyang ama at ina na pawang mga namayapa na.
Lubos naman ang pasasalamat ni Kris sa text ni Special Assisstant to the President Bong Go na: “We are sorry for the incident.”
Comments are closed.