NAGPAHAYAG ng pag- aalala ang mga environment officer dahil sa posibleng maging krisis sa basura dahil sa nakatakdang pagsasara ng Kalangitan Sanitary Landfill sa Capas, Tarlac sa Oktubre ngayong taong kasalukuyan.
Ang pagkaalarma sa maaring idulot na krisis sa pagtatapunan ng basura at ang maaaring maging masamang epekto nito sa kalikasan ay ipinahayag ng mga naturang opisyal sa ipinadala nilang petition kay Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga.
“The closure of this facility threatens to precipitate literally overnight, a severe waste management crisis throughout 3 Regions in Luzon directly affecting millions of its people,” ang nakasaad sa naturang petition
Halos 4,000 tonelada ng mga basura mula sa 121 na local government units sa iba’t ibang lalawigan ang dinadala sa Kalangitan Sanitary Landfill sa Capas, Tarlac.
Kabilang sa lumagda sa naturang petition na may petsang Aprill 22, ay ang Environmental officers mula sa 121 LGUs ng Ilocos Region, Central Luzon, at Cordillera Administrative Region, na ipinadala kay Yulo-Loyzaga at sa regional officers of the National Solid Waste Commission (NSWC) .
Ang Kalangitan sanitary landfill ay pinamamahalaan ng Metro Clark Waste Management Corporation. (MCWMC).
Nakasaad sa naturang petition na ang Kalangitan facility ay” integral part” ng waste management system ng mga LGUs, “It is the largest sanitary landfill in the region that complied with environmental standards of Republic Act 9003, the Ecological Solid Waste Management Act of 2000,” ang nakasaad sa petition.
Ayon sa ulat, ang Bases Conversion Development Agency (BCDA) at ang subsidiary nito na Clark Development Corporation (CDC) ay nagbabalak ng isara ang Kalangitan landfill, sapagkat mag eexpire na umano sa Oktubre 2024 ang 25 taong kontrata ng MCWMC na pinangasiwaan at pinatatakbo ang Kalangitan facility.
“There will be no extension or renewal to be granted and that MCWMC should immediately cease its operations,” ang nakasaad sa petition.
Ang NSWC ng Environmental Management Bureau (EMB)- Central Luzon ay nagkaroon na umano ng inisyal na pagpupulong hinggil sa bagay na ito. Ang MCWMC ay ang sanitary builder at operator ng landfill. Sineserbisyuhan nito ang mga LGU karamihan sa Central Luzon na nakakakolekta ng mga basura mula sa mga tahanan, mga negosyo, ospital, at iba ibang industriya sa mga lalawigan sa naturang rehiyon kabilang ang major economic zones sa Subic at Clark.
Ang mahigit kumulang 4,000 tonelada ng basurang nakokolekta araw araw na dinadala sa Kalangitan landfill ay mula sa 121 munisipalidad ng walong lalawigan ng Pangasinan – 32;Nueva Ecija – 24;Tarlac – 17;Pampanga – 16;Bulacan – 12;Zambales – 8;Bataan – 6, at; Benguet – 6.
“ The absence of comparable alternatives, as other facilities are either not fully capacitated, non compliant with RA 9003, too small or financially unfeasible or not affordable for their respective local governments….“Closing
Kalangitan without any alternative plan to deal with the massive waste that needs to be disposed daily is irresponsible of BCDA and CDC with both agencies in-charge of instituting economic progress and development within and around the former US military installations in the region,”” ang sabi ng mga mga nasabing environment officers sa kanilang petition.
Base sa ulat, balak na gamitin ng BCDA at CDC ang naturang sanitary landfill para sa mga proyektong pang turismo.
Ayon sa mga opisyal ng local government units na hindi sang ayon sa pagsasara ng naturang landfill. Ito aniya ay far more efficient, at matatagpuan sa west end ng Central Luzon (Floridablanca, Pampanga).Sa ngayon may mga alternatibo na tinitingnan na landfill subalit wala pang detalye at wala pang mga permiso para magamit ng mga apektadong lugar sa itatakdang pagsasara nito.Ma. Luisa Macabuhay-Garcia