PINANGANGAMBAHAN ng isang kongresista ang nakaambang krisis sa construction industry sa bansa kasunod ng utos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na itigil ang quarrying.
Ayon kay Caloocan City Rep. Edgar Erice, naging triple ang presyo ng buhangin at graba mula sa P600 per cubic ay tumaas ito sa P1500.
Aniya, ang pagpapatigil sa quarrying operations ang dahilan kaya maraming drivers at pahinante ang nawalan ng trabaho.
Marami aniyang quarry sites ang ipinasara, kabilang dito ang Pangasinan, Zambales, Bataan at Quezon.
Umapela si Erice sa DENR na piliin ang ipagbabawal sa quarrying at huwag isama rito ang graba at bato na pangunahing materyal sa pagpapagawa ng imprastraktura.
Pinayuhan niya ang pamahalaan na agad aksiyunan ang problemang ito dahil tiyak na maaapektuhan dito ang ‘Build Build Build’ program ng Duterte administration. CONDE BATAC
Comments are closed.