KRISIS SA TUBIG TULOY PA

NWRB Executive Director Sevillo David Jr

PINANGANGAMBAHAN ng National Water Resources Board (NWRB) ang pagpapatuloy ng krisis sa suplay ng tubig ngayong taon.

Ito ay makaraang hindi maabot ang target level ng tubig sa Angat Dam bago magtapos ang 2019.

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., kailangang  mapagkasya ang tubig hanggang sa tag-init at bago sumapit ang tag-ulan.

Dahil mababa pa sa normal level ang tubig sa Angat Dam, posible aniyang  magpatuloy pa ang hindi normal na serbisyo sa publiko.

Magugunitang sa pinakahuling tala ng PAGASA Hydrology Division ay nasa 202.6 meters pa lamang ang lebel ng tubig sa dam na malayo pa sa 212 meters na normal level nito.

Bunga ng pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam ay nagpatupad ng rotational water interruption ang mga water concessionaire sa Metro Manila noong 2019 na patuloy na nararanasan ng ilang kabahayan sa kasalukuyan.   DWIZ 882

Comments are closed.