Wala raw problema sa asawa ni Kristine Hermosa na si Oyo Boy Sotto kung magkaka-reunion movie siya sa ex-boyfriend at first love na si Jericho Rosales.
Pero marami raw kunsiderasyon, dahil una, buntis siya ngayon at may asawa at mga anak na rin. Kailangan raw i-filter ang mga eksena para hindi maka-offend sa kanyang pamilya.
Nagpahayag kasi si Jericho na gusto niya uling makatambal si Kristine, dahil pakiramdam niya, meron silang unfinished business.
Para naman kay Kristine, walang problema kung muli silang magkaroon ng proyekto ni Jericho, pero wala siyang maalalang unfinished business dahil naghiwalay sila ng maayos. Kung magkaka-movie raw sila, dapat, Maganda ang project at hindi yung masabi lang na may ginawa together. Hindi rin umano siya babawalan ng asawang si Oyo dahil may tiwala sila sa isa’t isa. Very professional umano ito at suportado nila ang isa’t isa basta gusto nila at kumportable sila.
Sakaling magkakaproblema, si Kristine daw mismo yon, dahil ang gusto niya ay “worth my time and effort” ang pag-iwan niya sa napakarami niyang mga anak. Daopat daw ay magandang project at may katuturan.
Noong kasikatan ng EchoTin love team, napakarami nilang pinagsamahang project bukod sa Pangako Sa Yo.
Nariyan ang teleseryeng Ang Munting Paraiso (1999), Sana’y Wala Nang Wakas (2003), at Dahil May Isang Ikaw (2009). Sa mga pelikula naman, mayroong Forevermore (2002) at Ngayong Nandito Ka (2003).
Apat na taon ang kanilang naging relasyon pero sa ngayon ay kasal na si Kristine kay Oyo at may anim na anak na rin siya na sina Kristian Daniel, 15; Ondrea Bliss, 12; Kaleb Hanns, 9; Marvic Valentin, 7; Vittorio Isaac, 2; at ang kasalukuyang ipinagbubuntis ni Kristine.
Hiwalay naman si Jericho sa asawang si Kim Jones. NLVN