QUEZON-PATAY ang isang babaeng kubrador ng STL matapos itong pagbabarilin ng ng riding in tandem suspects nitong Lunes ng gabi sa Don Crisanto St., Barangay Marketview, Lucena City.
Kinilala ni OIC PLTCOL Reynaldo Reyes hepe ng Lucena PNP ang biktima na si Abelina Paguio, 47- anyos at residente ng Barangay Barra, Lucena City.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya papauwi na ang biktima daking 8:30 ng gabi ng biglang harangin ng dalawang suspek sakay ng isang motorsiklo ang nakaback ride sa tricycle na biktima.
Binaril ng tatlong beses sa ulo si Obciana at mabilis na tumakas ang riding in tandem criminals.
Nagawa namang dalhin sa St. Anne General Hospital ang kubrador ng mga nagrespondeng SWAT PNP ang duguang biktima.
Subalit makalipas ang ilang oras ay binawian din ito ng buhay dahil sa tatlong tama ng bala na nagmula sa 9mm pistol.
Agad namang nagutos at nagsagawa si PLCol Reyes ng manhunt operation sa mga tumakas na suspek at patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon upang makilala mga kriminal at mabatid ang tinay na motibo ng pamamaril. BONG RIVERA