KUDETA ‘DI SOLUSYON SA MGA ISYUNG PANLIPUNAN – AFP

NANINDIGAN ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi kudeta o military junta ang solusyon sa mga isyung panlipunan.

Sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., ngayong nalalapit na ang eleksyon, dapat gamitin ng taumbayan ang karapatan na bumoto para itama ang mga nakikita nilang mali sa gobyerno

“Naririnig natin na  maraming mga complaints, maraming problema ang ating bayan, ang iba po ang naiisip nilang solusyon ay magkaroon ng military coup d etat o military junta, hindi po yun qng solusyon, gamitin natin ang boses natin, ‘yung kaisa isang boto natin para maituwid po ang gusto nating maituwid sa ating gobyerno, sa ating society, lets use this, lets use our rights to suffrage in the proper way, gamitin natin yun para maituwid  natin yung direksyon ng ating bansa at ‘yung future ng ating bayan at ng ating mga kababayan,” ayon kay Brawner.

Sa harap nito, pina­igting na rin ng AFP ang kanilang intelligence ope­rations ngayong 2025 midterm elections

Kasama na rito ang pagsasagawa ng background check sa mga kandidato upang hindi malusutan ng mga kandidato na may impluwensya ng dayuhang bansa.

“Tinitingnan po natin ‘yung kanilang background, so meron po tayong background check and pag meron po kaming nakita ano na red flags ay we will inform the Comelec about this, dahil nga po ayaw nating maulit yung nangkari nung nakaraang  eleksyon na may mga nakalusot na mga kandidato,” ayon kay Brawner.

Sa panig naman ng Philippine National Police (PNP), nakatutok naman sa pagpapalakas ng cyber security upang masiguro na hindi maapektuhan ng anumang dayuhang bansa ang idaraos na halalan sa Mayo.

Sinabi ni PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil na kasama na ang paglaban sa Artificial Intelligence  na maaring gamitin sa pagpapakalat ng fake news.

“We anticipate na ‘yung report natin what will happen kung may mga fake news coming from foreign countries dictating the tempo ng ating election that’s one thing the problem and we are looking also of using AI to combat.  Not them using AI against us but us using AI to preserve ‘yung election,” ayon kay Marbil.

Nakikipagtulungan na rin ang PNP sa Comelec para pigilan ang makabagong paraan ng vote buying gamit ang money transfer sa mga e-wallet account.

EUNICE CELARIO