KUH LEDESMA AMINADONG TINALBUGAN NA NG ANAK NA SI ISABELLA SA PAGKANTA

GINULAT ng unica hija ng Pop Diva Kuh Ledesma na si Isabella Gonzalez sa concert nila ni Christian reflectionBautista sa The Tent ng Solaire Resort and Casino last Saturday.

Tinawag ni Kuh si Isabella from the audience para kantahin ang isa sa mga hit song  ni Barbra Streisand na “Don’t Rain On My Parade” from the movie “Funny Girl.” And everybody was amazed sa mahusay at napaka-energetic performance ni Isabella.

“Basta sa kantang ‘yan kasi talbog talaga ako ng anak ko ‘d’yan,” pag-amin ni Kuh.

Proud na proud naman siyempre si Kuh for her daughter. At kinuwento na niya na ‘di biro ang pi­nagdaan ng kanyang anak matapos magkaroon ng mental depression.

Sobrang naapektuhan daw si Isabella nang paghihiwalay nila ng ex-husband ni Kuh na si Louie Gonzalez (President Elpidio Qurino’s grandson).

“But we relied on the doctors and they gave her a lot of medicines which made her gain weight also. She didn’t feel very well for many years. Until researched, she’s been off her medicines. But now she’s eating healthy and it is what’s helping her. But most of all, it was also the Biblical counsel that helped a lot,” pahayag pa ni Kuh sa concert.

Pero ang mas lalo pang ikinagulat ng audience sa concert nila sa The Tent ng Solaire ay nu’ng ireto ni Kuh si Isabella kay Christian. Tila nakalimutan ni Kuh na engaged na si Christian sa girlfriend niyang si Katrina Ramnani.

Mabilis namang umalma si Isabella sa ginawa ng Mommy niya at kumuha ng microphone habang nakaupo sa audience area.

“And excuse me, Mom, Katrina’s my friend from school, ha. Loyal friend naman,” sa malambing na tonong singit ni Isabella.

Sulit na sulit naman ang audience sa panonood kina Kuh at Christian sa concert. Hindi nagkamali ang Solaire to have them as the initial performers para sa bagong bukas na concert venue nila sa hotel.

Umaapaw ang class, sophistication and elegance ni Kuh on stage. While si Christian, pang-world class at walang kaparehong-tunog ang boses niya.

Unlike other local male singers na nagpapaka-diva na pinapatining ang boses at hilig bumirit, si Christian ‘di na kailangang gawin ‘yun because of the uniqueness of his voice.

NASH AGUAS AT SHARLENE SAN PEDRO NAGHINTAY PARA MAGKASAMA SA PROYEKTO

NASH AGUAS-SHARLENE SAN PEDRONAKATUTUWANG pagmasdan ang dating child stars na sina Sharlene San Pedro at Nash Aguas sa presscon ng latest movie offering ng T-Rex Entertainment, ang “Class of 2018” na ipalalabas na sa Nob­yembre 7.

Unlike other child stars, parehong tumangkad at very proportion ang bawat parte ng kanilang katawan. Ayon kay Sharlene, kompleto raw kasi ang tulog niya. In fact, tulog nga raw siya ng tulog nu’ng naging teenager na siya.

Matutuwa raw ang fans nila ni Nash sa kanilang balik-tambalan on screen. Ang tagal daw nila hinintay na magkaroon ulit ng project ang favorite loveteam nila na Nash-Lene.

“Opo, kasi ang tagal nilang hinintay ‘yung project na ‘to na parang magsama lang kami sa isang project, ‘yun lang ang hinihingi nila. Pero eto ‘yung gift na namin sa kanila mula sa T-Rex Entertainment kasi binigyan kami ng chance,” lahad ni  Sharlene.

Wish ni Sharlene na panoorin ng mentor nila sa “Goin’ Bulilit” na si Direk Bobot Mortiz  ang “Class of 2018.” Pero mas mai­nam kung magpapa-block screening pa si Direk Bobot ng movie for all the graduates of “Goin’ Bulilit.”

Ang “Class of 2018” ay isang suspense-thriller movie. Pero may drama rin, comedy and action sa direksiyon ng award-winning film editor na si Bebs Gohetia.

Comments are closed.