BINUHAY sa Senado ang pagbawi sa height requirements sa mga aplikanteng gustong magpulis at pumasok sa Bureau of Fire Protection (BFP) at sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ang heightism ay matagal nang pinaiiral sa mga law enforcement agencies sa bansa, ngunit kapos sa kuwalipikasyon kaya naghain ito ng Senate Bill 312.
Noong 2018 ay inalis ng National Police Commission (Napolcom) ang height requirement para sa mga nais kumuha ng PNP entrance exam.
“The requirement was scrapped solely for examination purposes and not for police recruitment,” dagdag ng senador.
Sa kabila nito ay hindi matanggal ng Napolcom ang height requirements sa kadahilanang nakasaad ito sa Republic Act 6975, o ang Department of Interior and Local Government Act of 1990, na nagtatag ng PNP.
Sinasabing ang height requirement ay kabilang sa listahan ng “minimum qualifications” para sa pagtanggap sa PNP Section 30 ng RA 6975 na nag-sasaad na ang mga kalalakihan ay dapat na may taas na 1.62 meters o 5’4” habang 1.57 meters o 5’2” naman sa kababaihan.
Sa panukala ni Zubiri, ang height requirement na masasaad sa Section 30 ng RA 6975 as amended by Republic Act 8551 ay agad na ipababawi.
Iginiit nito na ang mga gustong magsilbi sa bayan ay dapat bigyan ng pagkakataon kahit na ang mga ito ay kulang o kapos sa katangkaran. VICKY C
Comments are closed.