KUNG ang breeding program ay line breeding (ipares sa kadugo, ipalahi ang magpinsan, etc.) at iisa na hitsura ng kulay o anuman katangian ng anak mula paa, tuhod, balikat, ulo at pagkilos lalo na ang paglakad ay sign na po na dapat na i-cross/ipalahi sa ibang linyada na wala siyang relationship crossbreed/ hybrid vigor para ma-maintain ang quality or maiwasan ang diperensiya ng magiging anak.
“Ikaw ang dapat as a breeder ang nakakaalam kung saan linyada mo siya ipares at iyon ay depende sa iyong standard o pamantayan para alam mo ang iyong pupuntahan,” sabi ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.
Aniya, hindi niya kayang sagutin ang katanungan kung ano o ayos ba ang magiging anak kapag pinagpares kung anong linyada ang mayroon kayo, mas maganda ay subukan ninyong i-breed para mas sigurado raw.
“Kapag ang katanungan ay kung ano ang magiging anak ng palahi mo, ang magiging sagot ko po ay manok pa rin,” ani Doc Marvin.
Ayon sa kanya, “uniformity is a sign of quality.”
“Kung ano po ang breeding program ang meron ang bawat isa sa atin ay iyon po ay nirerespeto ko at ano mang pamamaraan na doon kayo nanalo ay ituloy lang at huwag nang baguhin pa dahil sa dulo ang usapan naman ay kung nanalo ang manok mo!” ani Doc Marvin.
Sa pagpapalahi ng manok panabong dapat po tayo mismo ang nakakaalam kung anong linyada ang nakapaloob sa materyales na gagamitin natin kaya napakahalaga ng recordings at markings para masusubaybayan natin.
“Sadya po ang pag-breeding ay tumataya ka diyan kasi walang kasiguruhan kung ano ang lalabas pero ibang tayaan ang quality na linyada na aayon sa iyong panlasa at dapat kaya mong ipaliwanag kapag may nagtanong ng BAKIT,” ani Doc Marvin.
Dapat, aniya, na mag-set talaga tayo ng target at standard para kung anuman lumabas, maganda or hindi maayos at least, kursunada natin at wala na tayong sisisihin pang ibang tao.
“Madaling humanap ng super galing na manok pero hinding-hindi ka makakakita ng siguradong mananalo!” pagtatapos niya.
179111 671757the most common table lamp these days nonetheless use incandescent lamp but some of them use compact fluorescent lamps which are cool to touch.. 432496
938581 420883Its a shame you dont have a donate button! Id without a doubt donate to this brilliant blog! I suppose for now ill settle for book-marking and adding your RSS feed to my Google account. I appear forward to fresh updates and will share this weblog with my Facebook group. Chat soon! 822