KULAY NG DAMIT NA PERFECT SA MGA MORENA

DAMIT-MORENA

(ni KAT MONDRES)

MORENA ang tawag sa mga taong may dark brown skin. Mayroon namang ipinanganak na natural na morena at may iba naman na pumupunta sa mga tanning salon, o kaya magbabad sa init ng araw sa tabi ng dagat upang makuha ang kulay na gusto nila.

Kilala ang Pinoy na may pinakamagandang kulay ng balat sa buong mundo. Kaya kung ikaw ay morena beauty, huwag mo itong ikahiya, be proud!

Maraming foreigners ang pumupunta sa Filipinas dahil sa tourist spots gaya ng dagat, bundok at historical infrastructures. Pero marami sa kanila ang mas nagustuhan ang tropikal na panahon dito, perfect para ma-achieve ang morena skin na gusto.

Challenging para sa mga morena ang maghanap ng kulay ng damit lalo na kapag may mga okasyon. Gagawan namin ng solusyon ang iyong prob-lema. Narito ang ilang kulay ng damit na puwedeng ibagay sa iyong morena skin:

GRAY TONE

Puwedeng ipares ang mga damit na kulay gray kapag ikaw ay morena. Light gray para sa mga dark ang skin. Samantalang dove gray naman kung medium ng skin. Sa mga light skin naman, swak ang charcoal gray.

NAVY BLUE

Kapag ikaw ay pupunta sa mga okasyon na ginagawa o nangyayari kapag gabi, navy blue naman ang kulay na puwede mong piliin na bagay na bagay sa iyong morena skin.

Hindi lamang ang kulay ng damit ang mamumukod-tangi kundi maging ang kulay ng iyong balat.

EARTHY COLORS

Maganda rin sa mga morena ang earthy colors gaya ng brown, white at green. Puwede itong pang-casual.

BLACK AND WHITE

Hindi nga naman puwedeng mawala ang mga black and white na kulay dahil paboritong-paborito ito ng marami sa atin. Nakapapayat nga naman ang kulay black. Samantalang malinis at komportableng tingnan naman ang mga taong nakasuot ng kulay puti.

Ngunit hindi lamang ang mga nabanggit ang kagandahan ng kulay black at white.

Ayon sa stylists, ang pagsusuot ng white ay maganda para sa mga morena. Ito ay nakada­ragdag ng highlight sa iyong balat. At ang black naman ay para mabigyan ng atensiyon ang iyong gold tone skin.

Samantala, kaila­ngan namang iwasan ang pagsusuot ng kulay pink at yellow o mga flashy at bright colors. (photos mula sa stylecaster.com at thelist.com)

Comments are closed.