ISABAELA- ISA ang patay habang 11 ang sugatan matapos na bumaligtad ang sinasakyan nilang kuliglig, isang uri ng sasakyan ng mga magsasaka habang tinatahak ang Daang Maharlika sa Brgy. Poblacion, Sta Maria.
Kinilala ng PNP Sta Maria ang mga biktima na sina Jayson Gumaru, nasa hustong gulang na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.
Kabilang sa labing isang sugatan ang driver na si Ferial Baccay, Jr, 38, residente ng Barangay Aggub, Cbagan, Isabela, Freddie Baccay, 25, Alfredo Buraga, John John Buraga, Jestoni Buraga, Jenny Baccay, 11, Gemma Baccay, 9, John Mark Baccay, Orlando Buraga Alfie Buraga pawang residente ng Barangay. Aggub, Cabagan, Isabela, at si Jay Callueng residente ng Barangay. San Juan, Cabagan, Isabela.
Binabagtas umano ng mga biktima ang Daang Maharlika lulan ng kuliglig sa kasagsagan ng malakas na pagbuhos ng ulan nang mawalan umano ng control ang nagmamaneho na nasabing sasakyan at bumaligtad ito na naging sanhi upang magtamo ng mga sugat ang mga biktima na ikinasawi ng isa na si jayson Gumaru. IRENE GONZALES
Comments are closed.