PUWEDE nang magpa-test ng libre ang mga non-motorized public vehicle drivers tulad ng ‘kuligligs’, pedicabs at maging non-residents ng Maynila sa kababagong bukas na COVID-19 testing center sa harap ng Bonifacio Shrine tabi ng Manila City Hall.
Ito ang pahayag ni Mayor Isko Moreno sa kanyang live broadcast, na nagpahayag din na ang Ospital ng Sampaloc at Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa Tondo, na parehong tumanggap ng bagong COVID-19 testing machines na binili ng city government at may testing efficiency na kapareho ng polymerase chain reaction (PCR) machines, ay nakatapos na ng training ng kanilang mga kawani na siyang hahawak sa nasabing makina.
Gaya ng kanyang naipangako, sinabi ni Moreno na prayoridad sa testing ang mga health frontliner upang masiguro na sila ay nasa perfect condition habang nag-aasikaso ng mga pasyente dahil nakatakda ng mag-operate ang dalawang nabangit na ospital ng makina sa loob ng isa o dalawang araw.
Sinabi pa ni Moreno na nakatakda pang bumili ng isa pang makina para sa Justice Abad Santos General Hospital sa Binondo dahil aniya gusto niyang malagyan ang north, south, east at west na bahagi ng Maynila. VERLIN RUIZ
Comments are closed.