KULONG, MULTA SA 2 ILLEGAL WILDLIFE TRADER

SINIGURO ng Bureau of Customs-Port of NAIA at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang desisyon ng dalawang illegal wildlife trader makaraang hatulang mabilanggo at pagmultahin ng Metropolitan Trial Court sa Pasay City dahil sa pagpupuslit ng wildlife species nitong nakalipas na buwan.

Nabatid na ang dalawang akusado ay lumabag sa RA No. 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act) at Section 1401 ng RA No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

Hinatulan ng 10-araw na pagkakulong at multang P26K ang unang akusado dahil sa pagpupuslit ng 10 tarantula na may halagang P75K kung saan idineklarang “origami”.

Samantala, ang ikalawang akusado na nasakote nitong Mayo 28 na tumanggap ng parcel na may 41 iba’t ibang uri ng wildlife species (sulcate, tortoise, black pond turtle, bearded dragon, corn snake at savannah lizards) na may value na P284K kung saan idineklarang “Lego Toys” ay hinatulang mabilanggo ng 7 buwan at multang P125K.

Ang dalawang akusado na walang lisensiya at import permit mula sa DENR ay inaresto ng pinagsanib na puwersa ng BOC-NAIA, Enforcement and Security Service-NAIA, Customs Intelligence and Investigation Service-NAIA, DENR-NCR , X-ray Inspection Project-NAIA at ang Wildlife Traffic Monitoring Unit-NAIA.

Ang hatol sa dalawang akusado ay magsilbing babala sa mga smuggler ng illegal goods at contraband partikular ang wildlife species. MHAR BASCO