NAGBABALA ang Department of Agriculture (DA) na maaaring maharap sa parusang pagkakakulong at pagmumulta ang mga hog raiser na hindi ire-report ang kanilang may sakit na mga baboy.
“They violated RA 8485 or the Animal Welfare Act, as they deprived their dead pigs of adequate care, maltreating them in the process,” wika ni Agriculture Secretary William Dar.
Sa ilalim ng batas, ang kapabayaan sa pagkakaloob ng sapat na pangangalaga sa mga hayop ay may kaparusahan na pagkabilanggo ng anim na bu-wan hanggang dalawang taon at multang ₱1,000 hanggang ₱5,000.
“Hog raisers should report sick and dead pigs to their respective municipal or city veterinarians, who will then coordinate with the Department of Agriculture’s Bureau of Animal Industry to determine the cause of sickness or death,” anang kalihim.
Aniya, ang mga magtatapon ng patay na baboy sa mga pampublikong lugar ay maaari ring pagmultahin ng ₱300 hanggang ₱1,000 o patawan ng hanggang 15 araw na community service dahil sa paglabag sa Solid Waste Management Act.
Ang babala ay ginawa ni Dar makaraang maglutangan ang mga patay na baboy sa waterways sa Quezon City at Marikina City, na kalapit lamang ng mga lalawigan ng Rizal at Bulacan, kung saan ang mga baboy ay nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) virus.
“It was utterly irresponsible on the part of the backyard raisers as they did not only violate current laws, but their misdoing also spread the disease pathogens much faster,” aniya.
“The irresponsible dumping of dead pigs simply adds scare to the public, and this should not be tolerated. The perpetrators must be punished in ac-cordance with the law.”
Sinabi ni Marikina Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro na ipaghaharap nila ng mga kasong sibil at kriminal ang mga responsable sa pagtatapon ng 56 patay na baboy sa Marikina River.
“Both civilly liable and criminally accountable. It can be considered as illegal dumping of pollutant ‘yun, eh,” ani Teodoro.
Iniulat naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang sinasabing unang kumpirmadong kaso ng ASF sa Metro Manila.
Ayon sa alkalde, ang 11 patay na baboy sa Barangay Bagong Silangan ay nagpositibo sa virus.
Nakatanggap din, aniya, siya ng mga ulat ng patay na baboy sa Barangay Payatas, subalit hindi pa niya alam kung ilan ang mga ito.
Kasalukuyang bantay-sarado ang buong Luzon sa pagsisikap ng mga awtoridad na mapigilan ang outbreak ng African Swine Fever sa bansa.
Comments are closed.