KULONG, P5-M MULTA SA ONLINE LENDERS NA NAMAMAHIYA

ONLINE LENDERS

NAHAHARAP sa parusang pagkakulong at pagmumulta ang mga online lending operator na lumabag sa data privacy laws sa pamamagitan ng pamamahiya sa publiko, ayon sa National Privacy Commission (NPC).

Sinabi ni NPC commissioner Raymund Liboro  na ang mga creditor na lumabag sa Data Privacy Act of 2012 sa pamamagitan ng ‘debt-shaming’ ay maaaring makulong ng hanggang pitong taon at pagmultahin ng hanggang P5 million.

Ani Liboro, pormal nang kinasuhan ang mga operator ng tatlong online lending firms kung saan binigyan sila ng 10 araw para magsumite ng pormal na sagot.

Ang mga reklamo laban sa PondoPeso Online Lending operator Fynamics Lending, Cashlending Online operator Unipeso Lending Company at Fast Cash Online Lending operator Cash Global Lending ay kumakatawan sa two thirds o 61% ng kabuuang 921 grievance notices na tinanggap ng NPC, kabilang ang paggamit ng contact list o phone directory na walang consent o pagsang-ayon, disclosure ng unwarranted o false information sa ibang tao, paggamit ng personal information para sa harassment at threatening communications at unduly intrusive personal data processing.

“Our investigation determined that their business practice specifically targets the privacy of persons, practically making profit out of people’s fear of losing face and dignity. These unethical practices simply have no place in a civilized society and must stop,” paliwanag ni Liboro.

“Biggest danger dito, damage to the person is permanent… May mga nawalan ng trabaho. Even their employability is now in jeopardy,” sabi pa ni Liboro.

“Once ikaw ang mabigyan ng judgement, judgement of the mob, napakamahirap na,” dagdag pa niya.

Nais din ng NPC na alisin ang apps ng tatlong nasabing online lending firms sa Google Play Store.

“We would like to caution the people on downloading mobile applications, particularly online lending application. Please read the terms and condi-tions carefully, for it may include dangerous permissions such as access to your live location, phone books, and social media account, and even camera control. Let us be responsible for our safety and protection of our personal data,” dagdag ni Liboro.

Nauna rito ay sinabi ng NPC na makikipagtulungan sila sa iba pang ahensiya upang matugunan ang lumolobong reklamo laban sa ‘debt-shaming’ ng mga online lender kapag hindi nak­akabayad ng utang ang mga borrower.   PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.