Kultura ng pagbasa tulay sa pagkakaisa

Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino at Probinsya ng Bataan na mas palawigin pa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbabasa dahil ito ang magiging tulay upang magkaisa ang mga mamamayan ng bansa.

Sa mismong ika-235 birthday ni Francisco Baltazar, Ama ng Balagtasan, nagkaisa ang lalawigan ng Bataan, Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Department of Education (DepEd), National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at Pambansang Lupon sa Pagpapaunlad ng Aklat (NBDB) na magkakasamang itaguyod ang kultura ng pagbabasa upang maging tulay sa pagkakaisa ng lahat ng Filipino.

Ayon kina Bataan Vice Governor sa kanta, Jaypee Merla at Orion Vice Mayor Rex Joseph Foster, ipinagmamalaki nilang minsan sa isang panahon ay nanirahan sa Orion, Bataan si Baltazar.

Binigyang diin naman ni KWF Chairman Arthur Cassanova na napakaswerte ng Pilipinas na nabiyayaan tayo ng isang Kiko Balagtas, na kahit nahirapan sa buhay at nagpatuloy sa pagiging makata. Dahil umano sa mga panulat ni Baltazar ay nagkakaisa ang mahigit 7000 isla sa bansa.

Nangako din si NCCA Chair Oscar Casaysay na tuloy ang kanilang suporta sa mga bagong makata at manunulat sa bansa, upang mas mapagyaman pa angf kanilang talino.

Para naman kay NBDB Chairman for Business and Trade Devekopment Division Carol Tapia, napakahalagang kinatawan si Baltazar sa pagpapalawak ng panitikan. Aniya, sa panitikan nagkakaisa ang puso ng lahat kaya marapat lamang na palawakin ito upang makarating sa lahat ng sulok ng bansa,

Ngunit mas mabigat ang tinuran ni KWF Director-General Maritess Barrios Taran. Aniya, Pagmamahal sa literature ang makapagbubuklod sa lahat ng tao sa Pilipinas. Ito umano ang unang hakbang sa pagpapatupad ng nasyunalisasyon. Sa Nasyunalisasyon aniya nasasalalay ang pagkakaisa, at sa pagkakaisa naman nakasalalay ang pag-unlad. Aniya, malaki ang impluwensya ni Baltazar sa mga bagay na ito.

Si Baltazar ay tinagurian ding Balagtas na ang direktang kahulugan ay manunula o manlilikha ng tula. Siya rin ang nagpakilala at nagpasikat ng balagtasan, hango sa larong duplo at karagatan, kung saan may tatlong tauhan: ang lakandiwa na siyang nagbibigay ng bagay nap ag-uusapan at siya ring hahatol kung sino ang mananalo; ang lakan, na siyang magtatanggol sa panig ng kalalakihan at ang lakambini na siya namang magtatanggol sa panig ng kababaihan. Ang lakan at lakambini at magdedebate ng patula sa harap ng maraming tao, at kung sino ang mas maraming palakpak ay siyang mananalo sa nasabing debatihan ay idedeklara ng lakandiwa. KNM