KULUNGAN SA CAMP BAGONG DIWA ININSPEKSIYON

CAMP BAGONG DIWA

TAGUIG CITY – ISANG sorpresang inspeksiyon ng pinagsanib na puwersa ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) at ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga detention cell ng nabanggit na ahensiya sa Camp Bagong Diwa, kung saan nakakumpiska ang mga ito ng iba’t ibang uri ng mga kontrabando kamakalawa ng hapon.

Ang naturang operas­yon ay pinangunahan ng hepe ng Intelligence ng BI na si Atty. Jeselito Castro

Nakumpiska mula sa detention cell ng mga foreign national ang mga samut-saring kontrabando tulad ng mga cellphone, portable air condition units, portable wifi,  mga bakal na gunting, laptops, DVD players, deck of cards, at lighters.

Ang isinagawang sorpresang raid sa nabanggit na detention cell ay dahil sa mga report na malayang nak-agagamit ang mga ­dayuhang inmates ng ­nasabing mga gadgets na mahigpit na ipinagbaba­wal sa loob.

Sa kasalukuyan, nasa 236 na mga dayuhan ang nakakulong sa BI detention cell habang inihahanda  ang  deportation sa mga ito. MARIVIC FERNANDEZ