KUMANDIDATONG ALKALDE NILIKIDA

CEBU-NILIKIDA  ang isang kumandidatong alkalde sa nasabing lalawigan nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Cebu City Police Office, dead on the spot ang negosyanteng  si Ruben Feliciano nang tambangan makaraang bumaba sa kanyang kotse.

Nabatid na si Feliciano ay  tumakbo sa pagka-alkalde  sa bayan ng San Fernando, Cebu noong 2019 election.

Lumitaw sa pagsisiyasat  ng Mabolo Police Station, lulan si  Feliciano ng  kanyang kotse kasama ang pamangkin ng pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa tapat ng inuupahang apartment sa Blue Garden Residences.

Sakay ng isang van ang mga  suspek subalit isa lamang ang  lumabas at bumaril sa biktima na agad ding sumakay at tumakas sa pinangyarihan ng krimen.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ang biktima habang sugatan din ang  pamangkin nitong si  Kim Feliciano na agad namang isinugod sa ospital.

Kasalukuyang tinitignan na rin ang lahat ng mga CCTV footage na malapit sa pinangyarihan ng insidente na maaring  makatulong sa imbestigasyon. VERLIN RUIZ

Comments are closed.