KUMANDIDATONG MAYOR PATAY SA PANANAMBANG

pagbabarilin

BULACAN- DEAD on the spot  ang dating kumandidatong mayor ng siyudad ng Meycauayan matapos na pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy, Banga ng lalawigang ito.

Kinilala ni P/Lt.Col. Bernardo Pagaduan, ang biktima na si Ryan Afable Cayanan, 45-anyos, may asawa, negosyante at residente sa  nabangit na lugar.

Sa imbestigasyon, ganap na  alas-12:30 ng tanghali nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang suspek na kung saan tatlong tama ng bala ang tumama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang  mga suspek.

Nabatid na bago binaril ang biktima nakapag post pa ito sa kanyang facebook account na ang sinasabi, “Lahat nang galaw ko may CCTV Footage kayo, mga kababayan, kapag may nangyari po sa aking masama, alam nyo na po sino may gawa…ang nais ko lamang po patas na pagbabago para sa Meycaueño, magiging masaya po akong mamatay para sa inyo”.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung sino at ano ang motibo ng pamamaslang. THONY ARCENAL

5 thoughts on “KUMANDIDATONG MAYOR PATAY SA PANANAMBANG”

Comments are closed.