KUMASA SA MGA PULIS, 2 HOLDAPER TODAS

BULACAN – PATAY ang holdaper makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa ba­hagi ng Sitio Dulo, Brgy. Lambakin, Marilao, nitong Linggo ng gabi sa nasabing lalawigan.

Sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, una na silang nakatanggap ng tawag mula sa biktimang si Malvin Navarro, 42-anyos ng Brgy, Lias na hinoldap ng dalawang armadong lalaki.

Ayon sa biktima, na­kasuot ng kulay itim na jacket at kulay brown na t-shirt ang mga suspek na sakay ng  kulay asul na motorsiklo na walang plaka.

Nabatid na ganap na alas-4:25 ng hapon nang mangyari ang robbery hold-up sa convenience store sa Brgy, Saog kung saan natangay ng mga suspek ang P4,190.00 cash  at personal  na gamit ng biktima gaya ng alahas at cellphone na tumakas patungo sa Brgy. Lambakin.

Nagkaroon ng hot pursuit na kung saan natunton ang mga holdaper sa Sitio Dulo  na sa halip na sumuko ay nakipagbarilan sa mga pulis.

Nakuha ng SOCO sa pinangyarihan ng eng­kwentro ang  dalawang cal. 38 na baril at mga bala, at mahahalagang gamit.

Samantala, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkaka­kilanlan ng mga napatay na suspek.

THONY ARCENAL