NEGROS OCCIDENTAL –NABARIL at napatay sa isinagawang joint law enforcement operation ang isang lider ng mga rebeldeng komunista na pumatay ng apat na pulis sa Barangay Dancalan, Ilog ng lalawigang ito.
Sa ulat na isinumite ni Lt.Col. Erwin Cariño, commanding officer ng 15th Infantry (Molave Warrior) Battalion sa tanggapan ni Philippine Army chief Lt. Gen Cirilito Sobejana, kinilala suspek na si Mitchel Fat alias “TM”, “EPI”, aT “LAKAS” Squad Leader, Squad 1, SYP Platoon, CN2, KR-NCBS , kilalang High Value Individual (HVI) ng Central Negros Front.
Nabatid na may tatlong standing Warrants of Arrest with Criminal Case No. A2020-74-CRC, Criminal Case No. A2020-71-CRC and Criminal Case No. A2020-73-CRC na inisyu ng 7th RTC, Branch 75 ng Bais City, Negros Oriental laban kay Fat na isisilbi ng mga tauhan ng Philippine Army kasama ang ilang pulis subalit sinalubong na agad sila ng sunod sunod na putok kaya napilitang gumanti ang mga awtoridad.
Nagawa pang maitakbo ang suspek sa Lorenzo Zayco District Hospital sa Kabankalan City subalit nalagutan din ito ng hininga .
Narekober sa suspek ang isang Cal. 45 pistol with serial number 2170458 at chamber load; isang magazine para kalibre 45 pistola na may apat na basyo ng Cal. 45 ammos; One Hammock; One sling bag; One inside holster; Two magazine pouch; One lower Battle Dress Attire; One upper marine uniform; One handheld radio with charger; One Nokia cellular phone; One brown wallet; Two boxes of Sterile Acupuncture needle; One sim card, at iba pang subversive documents.VERLIN RUIZ
Comments are closed.